By JUN NARDO
Chief Operations Officer na ngayon si Ai Ai de las Alas ng isang beauty brand.
Ito ay ang MC Aesthetics Intternational na pag-aari ng Filipino-American nurse, make up artist and aesthetician na si Marilou Colina.
Nagbitiw na si Ai Ai bilang artistic director ng isang facility sa San Francisco, California upang makapag-focus sa bagong trabaho.
Bigay ang produkto kay Ai sa isang show. Hindi niya pinansin ito nung una hanggang makita niyang mamahalin ang packaging nito.
Choosy ang Comedy Queen sa make up at gamit sa balat dahil sa sakit niyang psoriasis.
Actually, sinamahan pa niya ng dasal ang una niyang paggamit nito.
Thankfully, hindi nangati ang mukha at balat niya.
Pati ang asawang si Gerard e, aprubado rin ang MC, huh!
Bukod kay Ai Ai, bahagi na rin ng aesthetic company ang anak niyang si Sophia na Chief Financial Officer naman ang posisyon.
Hanggang wala pang project sa GMA, mananatili muna sa States si Ai Ai pati ang asawa at anak.
Finally!
Batas na ang The Eddie Garcia Bill matapos itong pirmahan ni President Bongbong Marcos nitong nakaraang araw.
Proteksiyon ang batas para sa TV and movie workers relating sa working hours at iba pa.
Nagtulung-tulong ang mga senador na konektado sa showbiz upang maipasa ito.
Nabuo ang batas matapos ang biglaang pagpanaw ng veteran actor na si Eddie Garcia sa isang aksidente on set.
Ang Implementing Rules and Regulations na lamang ang gagawin upang tuluyan nang maisakatuparan ang The Eddie Garcia Bill.