By Mell T. Navarro
Maingat na sa pera si Arci Muñoz.
Mas careful na rin siya lalo na kapag bumabiyahe.
Ito ay matapos siyang mabiktima ng isang modus operandi habang lulan ng isang eroplano.
Galing si Arci ng Japan that time at papauwi na siya ng bansa.
Huli na nang malaman niya na nasungkit na pala ng kawatan ang kanyang credit card.
Nawalan siya ng kalahating milyong piso na ani nga ni Arci ay parang bangungot.
Ang dami niyang natutunan sa insidenteng yun.
“It’s really unfortunate to be in that situation and you feel so helpless. Kasi I tried reaching out to the bank pero they couldn’t help me,” saad ng 35-year-old actress nang makatsikahan namin sa launch niya bilang brand ambassador ng JuanHand, an online cash lending platform.
“They said that it’s my responsibility because it’s my card. I approached them twice, thrice pa nga. I even called people that are close to me na alam ko who can also help me out na baka may mga kilala dun sa bank. Kasi that’s not easy money naman ‘di ba? I worked hard for what I have and nung sinabi nila na hindi talaga puwede, it really broke my heart.
“Sabi ko, ‘Grabe, ilang travel na yun, ilan na rin ‘yung matutulungan ko. Sana binigay ko na lang sa mga mahihirap. Nakakain pa sila,” kuwento pa ni Arci.
Dagdag ni Arci, mas aware na siya ngayon sa kanyang kapaligiran at mas careful na sa kanyang mga gamit, nasaan man siya.
“Ang natutunan ko is to be really aware all of the time. Kasi it’s not really a safe world out there. Isipin mo I was in the comfort of a business class plane, so iisipin mo na safe talaga.
“And dahil nga we raised awareness na kailangan mag-ingat tayo at di tayo maging relax lang, merong flight attendant na nagsabi sa akin, ‘Alam niyo Ma’am, may nahuli na kami diyan before,’ and modus daw talaga nila yun.
“So hindi ka puwede mag-relax lang. Kailangan talaga medyo vigilant ka sa mga ganyan. So since then, talagang doble, tripleng kumot na yung pinapatong ko sa bag ko.”
Ipinagpasa-Diyos na lang daw niya ang nangyari.
“Ang pinaka importante naman, ang dami namang pumapasok na blessings. Sabi ko, ‘Lord, alam ko hindi ka naman natutulog. Akala nila nakaligtas sila kasi hindi sila nahuli.’ Hindi, si Lord na bahala sa kanila, hahaha!
“Ganu’n na lang ‘yung naging consolation ko. And then ang dami namang blessings na pumapasok, so sabi ko, at least may lesson and also we raised awareness. Sana na lang din wala na silang mabiktima,” aniya.
Ngayong kinuha siya ng lending app na JuanHand bilang celebrity endorser, inamin ni Arci na mas makakahinga na siya.
Aminado kasi siya na may mga umutang sa kanya noon ng malalaking halaga, pero nahihiya raw syang maningil. Ang ia-advise na lang daw niya eh, sa JuanHand na lang pumunta upang humiram ng datung.
“Ang problem sa akin, ‘pag may nangungutang sa akin, hindi ako marunong maningil, kung paano sisingilin.
“Ako pa yung nahihiya. Ayoko rin kasi maka-offend. And pagdating sa mga money matters, hindi ba ang awkward na parang kayo pa yung nahihiya maningil? Hahaha!
“I’m very glad na ako yung napili ng company, I’m really grateful that we have JuanHand now kaya hindi na ako magpapautang sa friends ko, hahaha. I’ll just tell them to go to JuanHand,” sambit ni Arci.
Ano ang personal na opinion ni Arci sa kulturang Pilipino na pangungutang at babayaran na lang kapag nakaluwag na?
“Importante talaga na you know your etiquettes when it comes to borrowing money…”
Basta lang daw responsible ang nangungutang at ito ang magkusa na magbayad, bilang obligasyon.
“Ako, grateful ako ‘pag pinahiram ako ng isang tao. Kasi, that means I’m in a desperate time kaya ako nanghiram ng pera. So bilang pagpapasalamat do’n sa taong yon na pinahiram niya ko during that time na I really needed money, kailangan ‘pag nagkaroon na ako ng money or enough to pay back, babayaran ko na lang agad.
“I don’t agree sa kultura ng Pilipino na ‘yung nagpahiram pa ‘yung mahihiya. Di ba? Dapat kung sino yung nanghiram, magkusa na magbayad kapag meron na siyang money na pambayad.”
Ayon sa mga taga-JuanHand, kaya nila kinuha si Arci bilang endorser e “She embodies values cherished by Filipinos: humility, helpfulness, and a commitment to empowering others financially.”
Pagdidiin ni Arci: “Sa atin sa Pilipinas, yung nagpahiram pa yung mahihiyang maningil, pero hindi dapat gano’n. Kaya ituturo rin ‘yon ng JuanHand sa atin: ang maging responsible when borrowing money.
“Medyo ako yung nahihiya kung kailangan ko nang maningil, kaya I’m glad nga na meron ding program ang JuanHand that I’m so looking forward to. It’s really important for us to learn yung mga ganitong bagay… I’m not pretty good at handling paniningil pag ako ang nagpapautang.
“Nangutang lang ako sa nanay ko. Thank you, Lord, wala akong utang o pinagkakautangan!
“Hindi ko pa naman na-experience mangutang ng malaking halaga. Siguro no’ng college lang ako, pamasahe kasi naiwan ko yung wallet ko. Pero hindi na rin ako siningil ng mga kaklase ko noon.”
Sa paggamit ng JuanHand app, Arci emphasized na madali itong gamitin, safe, at may educational value na makukuha tungkol sa pananalapi.
“It’s easy. It’s safe. You can learn a lot in terms of financing. It’s the easiest and safest online lending company out there.”
Ayon naman kay Brian Badilla, Brand Head ng JuanHand, simple lang daw ang proseso ng pag-apply, approval at pag-release ng perang nilo-loan.
“We don’t even require any collateral. You just need to submit one valid ID for your application. In as fast as five minutes, we can give you an approval for your loan.
“Even if you reloan or borrow again, if you have a good payment history, in five minutes our disbursement is sent right away…
“In terms of the experience, we are very compliant with the Fair Debt Collection Practices Act.
“Hindi kami yung nababalitaang nagpapadala ng kabaong sa nangungutang, nagpapadala ng bulaklak ng patay… At the end of the day, ang mga tao naman, nahihirapan lang e.
“But if you help them, I’m sure they will give it back to you and pay you back. That’s why even if we don’t know you, we would still lend you, because we don’t actually go for a background check.
“We trust everyone that they will be responsible borrowers, and then we give them the loan. Our thrust is to build on financial literacy in the country.
“As you are aware, financial literacy has always been a challenge in the Philippines. We will work towards trying to improve that and helping everyone out there to be responsible borrowers.”
JuanHand is SEC accredited.
Together with Arci, they aim to uplift the quality of life for Filipinos through the combination of financial empowerment and cutting-edge technology. As its tagline goes, “Sagot Ka ni JuanHand.”