By JUN NARDO
Mababawasan yata ng oras si Batangas Vice Governor Mark Leviste kay Kris Aquino, huh!
As we all know, isa si VG Mark na talaga namang nag-alala sa kalagayan ni Kris at pinupuntahan pa niya ito sa States upang i-check ang kalusugan.
E, bakit mapapabayaan?
Balita kasing si VG Mark ang hahalili sa incumbent Batangas Governor Dodo Mandanas na bagong kasal sa asawang 32 anyos.
Dagdag pa rito ang matunog ding balita na si Batangas Governor Mandanas ay kinukunsidera na maging executive secretary bilang kapalit ng kasalukuyang ES Lucas Bersamin.
Lalo pang umigting ang balita nang magkita kamakailan ang dalawang namumuno sa Batangas at sa latest Instagram post ni VG Leviste, nakipagkamay si Gov. Mandanas kay VG sabay sabing, “Sealed with a handshake.”
Kung matuloy ito, magkakaroon pa ba ng oras kay Kris si Vice Gov. Leviste?
Abangan!
Nagkunyarian?
Nagkita sa isang event ng sikat na aktres at ang female host na asawa na ngayong ng ex-boyfriend ng aktres.
Happy couple ang female host at ex-boyfie ng aktres na hindi suwerte sa pag-ibig.
Sweet-sweet-an ang dalawa habang kasama sa event ng aktres.
Awkward tingnan na magkakasasama silang tatlo dahil ang past at present ng lalaki e magkasama.
Magaling namang magkunwari ang aktres at gayundin ang host na jowa na ng ex ni aktres.
In fairness, natapos naman nilang tatlo ang event na payapa, huh!