By JUN NARDO
Tuloy pa rin ang pagkuda ni Xian Lim patungkol sa naunsyaming relasyon nila ni Kim Chiu.
Daig pa niya si Kim na tahimik na about it, huh!
Well, may movie si Xian kaya kailangan niyang mag-ingay.
Nang hingan nga ng reaksyon ukol dito, nagsalita na si Kim na “Let’s give it a rest!”
18 years na sa showbiz si Kim at tuloy ang pamamayagpag ng kanyang karera.
Ito nga of late e, sunud-sunod na endorsements ang dumating sa Chinita Princess.
Nag-renew din siya ng kontrata bilang brand ambassador ng Sisters Napkins and Pantyliners mula sa Megasoft Hygienic Products na nagdiriwang din ng 24th anniversary nila.
Ayon kay Aileen Choi-Go, VP ng Megasoft, “Kim is very hardworking. At the same time, we see her fun side. She’s also very grounded and never forgets to take care of herself. These are the admirable qualities that we look up to in a sister.”
Honored and thankful si Kim sa tiwala ng Megasoft sa kanya lalo na’t may advocacy rin sila to empower women.
Katuwang si Kim ng Megasoft sa pagpapalaganap sa kababaihan sa buong Pilipinas sa kahalagahan ng pag-aalaga sa kanilang sarili sa pamamagitan ng kanilang produkto.
Ligtas!
Hindi na dapat mag-alala ang mga fans dahil ligtas na si Anjo Yllana.
Naaksidente ang actor-politician recently.
Nakatulog ito habang nagda-drive!
Second time na nangyari ito sa kanya, huh!
Ganitong insidente ang nangyari noong galing siya sa shooting ng “Shake, Rattle and Roll.”
Payo namin kay Anjo, huwag labanan ang antok at tumabi muna bago ipagpatuloy ang driving o di kaya, kumuha ng driver para hindi na maulit ang nangyari.