By RUEL J. MENDOZA
Hindi lang mga European designer bags ang bitbit ni Heart Evangelista sa kanyang pagrampa sa Paris, kundi pati na ang gawa ng local bag designers.
Sa isang rampa ni Heart, bitbit nito ang isang bag na gawa ng isang student named Reese Collins Latonio, a BS Clothing Technology student from University of the Philippines – Diliman.
Pinost ni Heart sa kanyang Instagram ang cream shoulder bag made in the shape of a giant bow.
“A bag full of LOVE,” caption ni Heart sabay tag sa Instagram account ni Reese.
May shout out din si Heart sa clothing technology students ng UP Diliman: “Shout out to all the UPD bs clothing tech students. I brought all your gifts with me to Paris.”
Last March ay nagbigay ng talk si Heart sa UP Diliman tungkol sa retail merchandising, the fashion industry, and clothing design with Filipino
designer Michael Leyva.