By JUN NARDO
One year na kahapon, July 1, ang Eat Bulaga sa TV 5!
Prior to this, pinaalala rin ni Joey sa kanyang social media account ang anibersaryo ng longest running show na hindi pa umeere as of this writing.
Tunggalian sa korte ang naganap bago napunta ang title na “Eat Bulaga” kina Tito, Vic and Joey.
Tanging “E. A. T.” lang ang gamit nila habang nasa TAPE, Inc. pa ang titulo.
E, nang magdesisyon na ang korte finally, naging “Tahanang Pinakamasaya” ang TAPE noontime show na kinabibilangan ni Isko Moreno as host.
Nang tumiklop ang show, pumalit ang “It’s Showtime” ng ABS-CBN na nasa tatlong channels na – GMA, GNTV at AllTV.
Ngayong July rin ang anniversary ng “Eat Bulaga” na wala pa ring patid ang pagpapasaya at pagtulong sa nangangailangan.
Happy first year on TV5, “Eat Bulaga!”
Nakakakilig!
Mapapakinggan na ang nakakakilig na bagong kanta ng singer-songwriter na si Diego Gutierrez simula midnight ng July 3, sa lahat ng streaming platforms.
Ang title ng bagong kanta ni Diego ay “Hanggang sa Dulo” na ngayon lang mari-release after two years.
This time, it’s under his new distribution deal with Sony Music Philippines.
Sinulat ang kanta nina Diego at Wilde Quimson at produced ito ni duaneinsane.
All Tagalog ang “Hanggang Sa Dulo” pero may international flavor ang tunog.
Tungkol ito sa misunderstanding at miscommunication sa isang relasyon.
May modern elements ito with classic and vintage production.
Ilalabas din ang official visualizer ng kanta sa official YouTube channel ni Diego.