By JUN NARDO
Tapos na ang ispekulasyon!
Hindi lilipat sa Kapamilya Network si Jennylyn Mercado!
Tinuldukan na rin ng kanyang management ang bali-balita.
Nagsimula ang usap ng umingay sa social media ang pag-sign diumano ng kontrata ng isang aktres na may initial na letter J sa ABS-CBN.
Hindi pala ito si Jennylyn!
Ito ay walang iba kung hindi si Jessy Mendiola na kasabay pumirma muli sa Dos ang asawang si Luis Manzano kamakailan.
Nagpaliwanag din ang management ni Jennylyn sa absence niya sa bagong station ID ng GMA. Unavailable lang daw that time ang kanyang artist.
Naku! Marami rin namang Kapuso artists na hindi nakasama sa station ID.
Ilang minuto lang naman ‘yun at pasasaan ba’t bihira na itong eere!
Hindi katapusan ng mundo kung wala sa station ID, ‘no!
Kung walang trabaho, saka magmaktol, huh!
Lucky charm!
Pinangalanan ng tatay niya ang online seller na si Charms dahil siya nga raw ang lucky charm nito.
Nanalo pa nga ang ama niya sa sweepstakes dahil sa pagiging lucky charm niya!
Well, lucky din si Charms.
Patok ang kanyang online selling business na sinimulan lang niya noong pandemic out of boredom.
Branded bags at luxury watches ang ibinebenta niya.
Konti lang ang viewers nung hindi pa niya pinakikita ang mukha niya.
Pero nung nakita na, dumami na ito hanggang ngayon.
May mga celebs din siyang kliyente gaya nina HE, VG at iba pa.
Pero nakaranas din siya ng bashers at panloloko.
Aba’y may nagma-mine tapos hindi kukunin ang item.
“Minsan, affected ako to the point na kumuha ng lawyers to stop them,” sey ni Charms.
“Mahirap at masarap ang ginagawa ko,” dagdag niya. “I enjoy doing at marami akong napapasaya!”
May one stop shop din si Charms sa LTO.