Tuloy-tuloy ang pagdating blessings kay Carlos Yulo!
Ito nga at sumali na rin si dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson sa mga taong gusto siyang biyayaan sa kanyang matagumpay na paglahok sa katatapos lang na Paris Olympics.
Ani Manong Chavit, bibigyan niya ng 5 million pesos ang world-class gymnast at 2-time Olympic gold medalist pero sa isang kondisyon: “The reward shall be accepted by the Yulo family and Carlos’ partner (Chloe San Jose), as a united front.”
Obvious na gusto niya magkaayos ang pamilya at si Carlos.
Sabi pa ng business magnate, ang ibibigay niyang pera kay Carlos ay hindi lamang para sa dalawang medalyang naiuwi nito sa Pilipinas kundi bilang isa ring “tribute to the strength and unity of the Yulo family.”
“The reward is a recognition for Yulo’s exemplary performance in the Paris Olympics and more so to the unity of the Yulo family and Yulo’s partner,” pahayag ni Manong Chavit.
Diin ng dating politiko, “Family is the foundation of a person’s success and the embodiment of values that transcend generations.
“In offering this reward, I hope to send a powerful message that the success of an individual is never solely their own. it is shared by those who stand by them, offering love, guidance, and unwavering support.”
Umaasa rin ang businessman-film producer na sa pamamagitan ng munting regalo niya kay Carlos ay mas marami pang pamilyang Pinoy ang ma-inspire, “And to cherish their unity and support each other in both triumph and challenge.”
Samantala, nagpahayag ng suporta si dating PangulongRodrigo Duterte kay Manong Chavit sakaling tatakbo ito sa pagka-senador sa susunod na taon.
Ani Duterte, “Susuportahan ko si Chavit (Singson) if he runs for senator. Kaibigan ko. Seasoned politician ‘yan.”
“Kung sabihin mong sa day-to-day na buhay ng Filipino, alam niya ang problema ng Filipino kung ano roon sa pinakaibaba.
“Hindi ‘yung mga graduate na summa cum laude tapos hindi nila kapa, ‘yung kati roon sa baba ng Filipino community.”
Iginiit pa ni Digong na, “Not just because he is my friend, but because alam ko at alam ninyong lahat na matagal na sa politika iyan.
“In everyday life, his long experience in politics means he understands the Filipino problems that must be addressed (by the government),” lahad pa ni Duterte.
Thankful naman si Chavit sa pag-eendorso sa kanya ng dating pangulo.
Pero ayon sa malapit kay Chavit, pinag-iisipan pa nito ang pagtakbo bilang senador bagamat aminado ito na marami ang kumukumbinse sa kanyang balikan ang politika.