By JUN NARDO
Kontra ang Manila Councilor-award-winning actor na si Lou Veloso sa panukala na gawing Carlos Yulo Day ang August 4 sa buong Maynila.
Sinabi niya ang kanyang dahilan sa isang social media post.
Ang siste, apektado siya sa hidwaan ng atleta at mga magulang nito.
Feeling ni Lou e, hindi ganap ang tagumpay ni Carlos kung pinag-wawalang bahala niya ang mga taong unang nag-aruga at nagsakripisyo para sa kanya.
Dagdag pa ni Lou, kahit anong sama ng isang magulang, walang karapatan ang anak para lapastanganin ito, dahil kung wala ang mga ito wala rin sila.
May point, huh!
Ganunpaman,enacted na ang ordinance nitong Aug. 15.
Big fan!
Pinakikinggan lang noon sa radio at cassette ni Ogie Acasid ang mga kanta ng Concert King na si Martin Nievera.
Pero ngayon, siya na in collaboration with Cacai Mitra ang producer ng coming concert ni Martin na “King 4Ever” na gaganapin September 27 sa Araneta Coliseum!
Ani nga ni Ogie e, “idol” niya si Martin.
Deserve daw nito ang isang malakihang concert.
Grateful si Martin sa support ni Ogie. Sa katunayan, hindi na nila pinagusapan ang pera.
Obvious na malaki ang tiwala ni Martin kay Ogie, huh!
“There’s mutual love between us,” pakli pa ni Martin.
Para kay Martin, mapuno man niya o hindi ang Big Dome, ibibigay pa rin niya ang todong performance.
Ang tanong, ano ang bago sa concert niyang ito?
Sey ni martin, “I want something na interactive sa concert ko. Alam naman ninyo kung sa anong genre ako nagustuhan diba, sa ballads. Sinabukan ko ngang mag-rap noon pero hindi kinagat!”