By JUN NARDO
85 years old na on August 22, ang Asia’s Queen of Songs na si Pilita Corrales.
Bale 75th year na rin ni Pilita sa showbiz kung saan inihahanay nga siya among its greatest entertainers.
Espanyolang Cebuana si Pilita. Iniwan nito ang pag-aaral sa Madrid upang pumasok sa showbiz after ng pagkamatay ng ama.
Una siyang nakilala as recording artist at TV presenter sa Australia. Dahil sa kasikatan niya doon, isang kalye sa Victoria ang ipinangalan sa kanya, huh!
Ang version niya ng “Come Closer To Me” ang nagpabago ng buhay ni Pilita.
Sa Pilipinas, naging radio star siya sa La Taberna at crowd drawer sa Clover Theater at Manila Grand Opera House.
Ang pamoso niyang kanta na “A Million Thanks To You” ang nagbigay daan para sa show niyang “An Evening With Pilita.”
Of course, kilala rin si Pilita sa mga inawit niyang love songs na very Pinoy, huh!
Kasama na rito ang version niya ng “Dahil sa Yo,” “Irog Ako Ay Mahalin” at iba pa!
Sa concert stage, nakasama na niya ang The Beatles, Matt Monroe, Sammy Davis Jr., at iba pa.
Nakasama niya si Bob Hope sa performance niya sa Las Vegas at international tour.
Ngayon ay semi-retired na si Pilita.
Makakasama niya sa kanyang 85th birthday celebration ang kanyang pamilya.
Happy, happy 85th birthday, Pilita, Asia’s Queen of Songs!
Naitago!
Lusot sa mata ng madla ang pagkaka-aresto ng isang female showbiz personality recently!
Super na malalapit lang na kaibigan niya ang nakaalam sa pangyayari na sanhi diumano ng kasong estafa!
E, tahimik lang din kasi si female personality at hindi ito visible of late kaya siguro hindi pumutok ang kontrobersya.
In any case, bailable naman ang kaso and for sure laya na ito habang sinusulat namin ito!