By JUN NARDO
May bagong movie ang director na si Benedict Mique, direktor ng nag-number one movie sa Netflix na “Lolo & The Kid.”
This time, real life drama ng isang Pinoy couple na hinanap ang kapalaran sa Canada ang focus niya.
Titled “Maple Leaf Dreams,” bida sa movie sina Kira Balinger at LA Santos na nag-immersion pa sa junk shop, grocery, office at food restaurant para sa kanilang respective roles.
Sina Snooky Serna, Joey Marquez at Ricky Davao ang senior stars na kasama nila.
Para malaman ang kalagayan ng mga Pinoy sa Canada, tumira roon si Direk Benedict ng ilang buwan, huh!
Ginawa niya ang mga ginagawa ng mga tipikal na Pinoy doon.
“Ang buhay sa Canada ay challenging pero puwedeng maging masaya,” chika ni direk Benedict.
Marami ang naluha sa hirap na pinagdaanan ng mga character nina Kira at LA as seen in the movie’s trailer na mapapanood sa social media pages ng 7K Entertainment.
Ang “Maple Leaf Dreams” ay isa sa mga finalists sa Sinag Maynila na gaganapin September 4-8.
Magkakaroon ito ng commercial run simula September 25!
Kung natuwa at naiyak kayo sa “Lolo & The Kid,” tiyak mararamdaman ninyo ang rollercoaster ride of emotions sa “Maple Leaf Dreams.”
Para-paraan!
Umiral ang kalokahan ng isang female singer nang maimbitahan siya sa isang fiesta sa tawid-dagat na probinsya.
Kilala ang singer sa pangalan. ‘Yun nga lang, mild hit lang ang mga songs niya.
So, nakaisip ng paraan ang female singer upang makuha ang atensiyon ng mga naki-fiesta nang sa gayon e, magsigawan at palakpakan ang mga ito.
Ang ginawa ni female singer, kinanta niya ang hit song ng isang sikat na female group bilang unang song niya!
Nakuha naman niya ang atensiyon ng tao. Palakpakan, sigawan at sayawan ang lahat!
‘Yun nga lang, sa second song niya, tumamlay na ang mga tao dahil song niya ang kinanta niya.
Walang sumasabay dahil hindi alam ng tao ang kanta niya, huh!