By MELL T. NAVARRO
Kamakailan ay naimbitahan kami ng RR Entertainment Productions sa launching ng “Wagi” Financial Literacy Platform sa National Development Company building sa Makati City.
Ka-partner ang JuanHand online lending app, ang “Wagi” ay isang non-revenue financial literacy online platform na ang advocacy ay para makatulong sa edukasyon ng mga Pilipino sa buong mundo, pagdating sa paghawak ng pera.
Isa itong engaging, rewards-driven app na may games, kaya madaling ma-gets lalo na ng mga kabataang Pinoy.
Sa launching, na-flash ang videos ng mag-asawang sina Aubrey Miles at Troy Montero, so inakala naming sila na ang celebrity endorsers, pero ayon kay Marc Kristian Gulle, CEO ng FEdCenter, e hindi pa raw sila ang official endorsers, kundi kabilang lang sa mga kinausap nilang social media influencers to record a shout-out tungkol dito.
“Wala pa po kaming celebrity endorser, we just started up at bago pa lang po kaming kumpanya at grupo. Nagbigay lang ng kanilang teaser messages sina Troy at Aubrey ‘coz they are friends of ours.
“Baka po may mare-recommend kayong artista, please let us know,” sambit ni Gulle during the Q and A with the invited media and bloggers.
Sa totoo lang, dahil sa kaguwapuhan ni Francisco “Coco” Mauricio (CEO ng JuanHand), nagkabiruan ang mga VIPs sa harap na baka siya na lang ang maging endorser ng Wagi app.
Yep, agree kami ng puwede ngang artista itong si Mauricio dahil bukod sa guwapo sya e, charming rin ang personality, but we know na he chose to be a businessman at wala sa limelight. Take a look sa kuha namin with him, tatalunin niya ang ibang artista (of his age) sa kanyang good looks.
“Financial literacy paves the way for inclusion which leads to empowerment—a cornerstone of national development,” lahad ni Mauricio sa kanyang speech.
Bakit nga ba “wagi” ang Wagi online platform?
“Wagi” aims to provide basic to advanced financial concepts through interactive modules, videos, and bite-sized reels. To boost adoption and usage, the app also incorporates tangible rewards to make learning exciting and motivating.
“We march towards free and easily accessible financial learning for all Pinoys,” saad ni Gulle.
Ang ilan sa mga popular social media influencers na dumalo sa nasabing launch ay sina Antonette Aquino, Bea Sacramento, Kenneth V, Putik Queen, Yesha Pega, Regina Aungon, Joprey Samonte.
Nandoon rin sina Kyosi G and Vladia D, na since mga Viva artists rin sila ay lumalabas na rin sila sa TV, live events, at marami rin silang followers.
Ang mga nasabing online celebrities ay na-amaze tungkol sa baong platform na ito, para nga naman makatulong sa kanilang makadagdag ng kaalaman para proteksiyonan ang kanilang mga kinikita sa pagiging vloggers or bloggers.
Kung kaya’t hindi sila nagdalawang isip na magbigay ng suporta sa endeavor na ikto upang mas mai-market ito sa ating mga kababayan.
In the app, the test scores will be converted into reward points which can be used to claim prizes from various establishments such as leading fast food chains.
Ang iba pang naging speakers mula sa gobyerno na dumalo sa launch ay representatives ng Securities and Exchange Commission, Credit Information Corporation, National Privacy Commission, at National Development Company.