By JUN NARDO
Labanan sa aktingan ang dalawa sa mga bigating showbiz stars ng bansa sa
bagong handog na pelikula ng Quantum Films sa 20th year nila, huh!
Pinagsama sa unang pagkakataon ang magagaling na aktres na sina Lorna Tolentino at Judy Ann Santos sa horror movie event na sinulat ng award-winning writer na si Chris Martinez at dinirek ng master director na si Chito Rono!
Ang title ng movie nina Juday at LT ay “Espantaho” na tungkol sa isang pamilya na bawa’t myembro ay may kanya-kanyang lihim na itinatago.
Bukod kina Lorna at Judy Ann, bigatin rin ang iba pa sa cast katulad nina JC Santos, Chanda Romero, Mon Confiado, Nico Antonio, Donna Cariaga at Janice de Belen.
May special roles naman sina Eugene Domingo at Tommy Abuel.
Katuwang ng Quantum Films sa pag-produce sa horror movie event of the year na “Espantaho” ay ang Cineko Productions at Purple Bunny Productions.
Seksi pero barako!
Kiliting-kiliti ang girls at accla na naonood sa show ng all-male group na Magic Voyz sa Viva Café last Tuesday, huh!
E, seksing-seksi kasi ang pitong members na karamihan ay Vivamax actors din.
Binuo sila ng manager na si Lito de Guzman upang maipakita ng mga ito ang iba pa nilang talents bukod sa pagpapapeksi!
Inspired ito sa pelikulang “Magic Mike” noon.
Sa show ng grupo, ipinalabas ang video ng first single nilang “Wag Mo Akong Titigan” at bongga ito! Madali ring tandaan ang kanta, huh!
Ang bumubuo ng Magic Voyz ay sina Jhon Mark Pacia, Juan Paolo Calma,
Mhack Morales, Rave Onado, Ian Briones at Johan Shane na main composer ng kanilang mga songs.