By JUN NARDO
Six legs ang USA-Canada “Dear Heart” Tour 2024 nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na handog ng NY Entourage Productions.
Malakas ang clamor ng fans sa ibang bansa sa concert ng former couple kaya naman nang maayos ang schedules nina Sharon at Gabby, heto na ang listahan ng tour na ayon sa producer na si Nancy Yan e, maaaring
madagdagan pa.
Sa October 26 ang kick off sa Farrah’s Resort, Southern California. Susundan ito sa October 27 sa Saban Theater sa Beverly Hills, California.
Ang next stop ay sa The Meeting House sa sa Canada on November 2 at sa Nov. 15 naman ay sa The Venue, Thunder Valley Casino Resort ang place. Sa November 17 naman ay sa West Gate Las Vegas Resort and Casino, Las Vegas habang sa November 21 ay sa Club Regents Events Centre sa Winniepag, Canada.
Ang last two stops ng Dear Heart ay sa November 23 sa Hawaii Covention Center sa Honolulu, USA at sa November 29 ay sa Chando’s Pattison Auditorium, Vancouver.
Ayon kay Gabby nang ma-interrview ng media, may changes sa ilang songs
pero matutuwa ang manonood dahil sa masayang regalo nila ni Sharon sa fans ngayong Christmas!
Bagong tropa
Heto na ang masasayang tropahan ng Sparkle Teens sa bagong show nilang “MAKA” na mapapanood simula ngayong September 21, 4:45PM.
Naku, magaling sa youth oriented shows ang GMA Network at patunay diyan ang classic na “T.G.I.S.” na nagpasikat ng ilan nating artista ngayon.
Sa “MAKA,” tampok ang Sparkle stars na sina Zephanie, Ashley Sarmiento,
Marco Masa, Olive May, John Clifford, Dylan Menor, Chanty, Sean Lucas, at Mary Ann Basa.
Swak na swak ang series sa Gen-Zs at iba pang geneations dahil kasama rin sa MAKA sina Romnick Sarmenta, Sharmaine Arnaiz, Tina Paner, Maricar de Mesa at Carmen Soriano.
Kuwento ito ng mga high school students an enrolled sa Arts & Performance Section sa sa Douglas MacArthur High School.
Mula ito sa direksyon ni Rod Marmol.