Nakita at naramdaman ng mga residente ng Maynila ang walang hanggan na pagmamahal at pagmamalasakit ni House Representative at “Dear SV” public service show host Sam “ SV” Verzosa ng ipagdiwang nito ang kanyang kaarawan noong Setyembre 12 sa pamamagitan ng pagbisita sa kanila at pamamahagi ng mga tulong.
Para sa kanyang birthday salubong noong Setyembre 11, dumalaw si SV sa Pandacan at Sta. Mesa, Maynila. Namahagi siya ng mga libreng gamot at bigas. Bukod doon ay may libreng medical check up pa.
Sa mismong kaarawan niya noong Setyembre 12, nagkaroon si SV ng simple na pagtitipon at salo-salo sa Maserati Philippines, Edsa, San Juan City para sa kanyang pamilya, malalapit na kaibigan sa entertainment industry at kapwa negosyante.
Naging masuwerte para sa mga residente ng Sta.Mesa ang Setyembre, Friday the 13th dahil muling namahagi si SV ng ayuda.
Mainit ang pagtanggap kay SV ng kanyang mga kababayan sa Maynila na binansagan siya na Mr. Close Up dahil para sa kanila, naghahatid ng inspirasyon ang close-up smile niya.
Noong Setyembre 14, nagulat at natuwa ang mga residente ng Sta. Clara, Tondo dahil bukod sa ipinamigay na tatlong libo na sako ng Sinandomeng rice, “nagpa-burger “ si SV at ito mismo ang nagsilbi bilang service crew ng McDonald’s na ikinaaliw ng mga nakakita sa kanya.
Noong Setyembre 15, ang mga kababayan sa Moriones, Tondo ang dinalaw ni SV na muling namahagi ng 3,500 na sako ng Sinandomeng Rice at McDonald’s hamburgers.
Natapos noong Setyembre 16 ang week-long birthday celebration ni SV nang bigyan niya ng kabuhayan ang mga nangangailangan sa pamamagitan ng isangdaan na franchises ng Siomaynila Food Carts na ipinagkaloob niya sa mapapalad na Pilipino.
“Tutulungan kitang tulungan ang sarili mo. Sagot kita!“ ang mensahe ni SV bago nito ipamigay ang business packages sa isangdaan na masusuwerte na Manileño na nais niya na mabigyan ng magandang kinabukasan.
Hindi naitago ni SV ang kaligayahan nang sorpresahin siya sa entablado ng ilan sa mga tao na binigyan niya ng hanap-buhay at nagtagumpay sa kani-kanilang mga negosyo.
Ikinagulat ni SV ang mga regalo na dala ng bawat isa na bumati sa kanya na may hatid na mensahe ng pasasalamat at pagmamahal.
Naging emosyonal si SV dahil siya ay naging instrumento ng Panginoong Diyos para maging inspirasyon ng kanyang mga kababayan na nabigyan niya ng mga hanap-buhay.
Hindi napigilan ni SV ang mapaluha habang pinakikinggan ang mga pahayag ng kanyang ina, mga kapatid at anak niya na sumipot sa naturang pagdiriwang at nagsalita sa entablado sa kauna-unahan na pagkakataon.
Ipinagmamalaki ng pamilya ni SV ang tagumpay na narating at nakamit niya.
Ang maging mabuting halimbawa sa mga kamag-anak niya ang tanging nais ni SV kaya labis na ikinatuwa nito ang pagmamahal sa kanya ng pamilya niya at ng mga Manileño.
Ang nakaraan na kaarawan ang itinuturing ni SV na pinakamasaya at makabuluhan dahil naibahagi niya ang tagumpay sa mga residente ng Maynila, ang bayan na kanyang sinilangan at pinagmulan.
Ang kultura niya ng pagtulong sa mga nangangailangan ang pangunahin na plataporma at adbokasiya ni SV na nagmula sa kanyang pananaw na ang tunay na layunin ng kayamanan ay ang pagtulong sa kapwa.
Sa kabila ng kaligayahan na nararamdaman ni SV dahil nakakatulong siya sa kapwa, hindi nawawala sa kanyang isip ang alaala ng ama niya na si Sam Verzosa, Sr. na namayapa noong Pebrero 5, 2023.
”Alam ko na sobrang proud siya ngayon dahil marami tayong natutulungan dahil na rin sa naging pag-gabay niya sa akin kaya salamat Tatay, ” ang emosyonal pero nakangiti na sabi ni SV na naniniwala na lahat ay panalo sa kultura ng pagtulong at pagkakaisa.
Isang self-made man si SV na nagtagumpay sa mga negosyo na kanyang itinatag. Hindi siya nagdalawang-isip na ibahagi ang kanyang kayamanan sa mga mahihirap na tao na matindi ang pangangailangan matapos na maiahon ang sarili mula sa kahirapan.
Sa pamamagitan ng pagpupursigi at pagsusumikap, natamasa ni SV ang kanyang mga pangarap kaya nakikipagtulungan siya ngayon sa mga komunidad para maisakatuparan din nila ang kanilang mga nais sa buhay.
Ang kuwento ng tagumpay ni SV ay isang paalala na lahat ng mga Pilipino ay may kakayahan na gumawa ng pagbabago sa sarili at sa mundo.
Sinabi ni SV na nais niya na magkaroon pa ng mas maraming mga kuwento ng tagumpay katulad ng nangyari sa kanya.
“Mula sa tagumpay ng aking kuwento, ipanalo naman natin ang kuwento ng buhay mo!”