By JUN NARDO
Titigil na sa pagpapaseksi ang Vivamax star na si Christine Bermas.
“Finally, graduate na ako,” sambit sa amin ni Christine ng amin siyang makapanayam kamakailan.
Malamang daw e, huling hirit na niya ang latest Vivamax movie niyang “Salsal Ni L.”
May kinalaman sa sayaw na salsa ang movie kung saan kapareha ni Christine si Sean de Guzman.
Matagal ang hindi napagkikita si Sean na kahit noong presscon ng pelikula ay hindi rin present.
Hindi ito ang first time na magkatrabaho sina Christine at Sean.
Ani Christine, “The last time we worked ay sa ‘Rellebo’ and that was a year ago
pa,” sagot niya.
Bakit ba nawala si Sean, usisa namin.
Sagot ng dalaga, “Hindi po ako makakasagot niyan. Hindi ko po alam! Sino ba
manager ni Sean? Hindi ko rin po alam kung bakit wala siya today. But personally,
he’s like a brother to me.”
Streaming na sa Vivamax sa October 1 ang “Salsa Ni L.”
Bago ito, may pampainit sina Robb Guinto, Skye Gonzaga at Apple Dy sa
Vivamax titled “Kiskisan” sa September 27.
Worth it!
Nagkaroon ng aberya sa pamimigay ng ayuda ng mayoralty candidate sa Manila na si Sam Versoza sa Bgy. 128, Zone 10 sa Smokey Mountain kaya na-delay ang programa.
Pero in the end, naging worth it naman para sa lahat ang paghihintay.
Tuwang-tuwa si Sam na makita sa mukha ang kasiyahan ng mga tao lalo na ang matatanda.
Sambit ni Sam, “Yun lang naman ang gusto ko. At ginagawa ko ito para diretso
sa tao ang dapat mapunta sa kanila. Mahirap, nakakapagod, but it’s all worth it!”
Hindi kasama ang GF ni Sam na si Rhian Ramos.
Pero may mga gathering na todo suporta ang aktres sa kanya.