By JUN NARDO
Mala-action movie complete with sabugan and hostages ang naging ending ng GMA’s two-year old series na “Abot Kamay Na Pangarap,” huh!
Nagsimula sa simpleng istorya about a young beautiful doctor as played by Jillian Ward na nahaluan ng maraming characters at side stories along the way, eto at nagtapos nga sa isang napakalaking ending ang show na sabi nga ng ilan e, mala “Black Rider.”
Whatever the case maybe, patok pa rin naman ang “AKNP” sa viewers na tinutukan nga ito hanggang dulo, huh!
Kahit predictable ang ending at happily ever after as usual e, job well done pa rin in terms of ratings!
Take note na hindi rin binitawan ng advertisers ang series na hanggang sa huli, super dami pa rin ng commercials!
After “AKNP,” anong afternoon series naman kaya ang matututukan namin – “Lilet Matias,” “Shining Inheritance” o “Forever Young?”
Masaya!
Ngiting tagumpay ang kaibigan naming si Rosanna Hwang ng Kapitana Productions. Nagbunga ang kanyang passion and dedication sa paggawa ng TV series!
Ang sinulat at prinodyus na sitcom ni Kapitana Rossana na “Pipol of Barangay” (aired as “Barangay Mirandas”) sa Net 25 ay nominated sa Asian Television Awards bilang Best Digital Drama!
Kahilera ng ginawa ni Kapitana Hwang sa mga prestigious dramas mula sa Singapore, China, India, Korea at Malaysia.
Pinagbidahan ang sitcom ng singer-actress na si Julia Clarete. Kasama rin sa sitcom si John Medina na kakumpitensiyang Kagawad ni Kapitana Miriam (Julia) at may dagdag pang intrigang kailagang matuldukan.
Sa nominasyong ito, ayon kay Kapitana Rossana, “We are thrilled to be recognized at the Asia Television Awards and hope our series will resonate with audiences across the region.”
Ang Asian Awards Television ceremony ay gagawin ngayong November 30 sa Jakarta, Indonesia.