Tempo
  • News
  • Opinion
  • Entertainment
  • Sports
No Result
View All Result
  • News
  • Opinion
  • Entertainment
  • Sports
No Result
View All Result
Tempo
No Result
View All Result
Home Opinion

Totoo Nga Ba Ang Porn?

Tempo Desk by Tempo Desk
November 4, 2024
in Opinion
0
Enjoy, but practice safe sex

Dear Doc Rica,

Bakit po kaya parang ibang-iba ang napapanood ko sa porn sa tunay na buhay? Parang mas maganda sila, mas sexy, at parang mas intense ang nangyayari. Normal po ba na hindi ganito sa realidad? Dapat bang matutunan kong gawin lahat ng napapanood ko para mapaligaya ang partner ko?

Thank you po!

Curious and Confused

Hello Curious and Confused,

Napakagandang tanong! Maraming nagtatanong ng ganito lalo na kung porn ang naging unang exposure sa sex. Pero importante na maintindihan natin na ang porn ay fiction—isang palabas na ginawa para magmukhang “perfect” sa screen. Tulad ng mga action movies, puno ito ng special effects, “staging,” at editing. Maraming hindi makatotohanan dito, at ang masama pa, maraming eksena ang nagpapakita ng maling pagtrato sa babae at hindi pantay na relasyon.

Madami sa porn ang nagpapakita ng ideya na ang mga babae ay “props” lamang o instrumento para sa pleasure ng lalaki. Nakakalungkot, pero ganito madalas ipakita ng porn ang mga babae, kaya nagkakaroon tayo ng maling ideya na “normal” lang ito. Sa tunay na buhay, ang mga relasyon ay dapat patas at puno ng respeto. Ang babae at lalaki ay parehong dapat may boses at pantay na nasisiyahan sa intimacy, walang lamang at walang pinipilit. Ang pinakamagandang paraan para mahalin at ipakita ang paggalang sa isang partner ay ang pakitunguhan siya bilang tao, hindi “object.” Tanungin mo siya kung ano ang gusto niya, kung ano ang nagpapasaya sa kanya. Sa ganitong paraan, ang intimacy niyo ay nagiging mas totoo at mas malalim.

Isa pang misconception sa porn ay na ang kasiyahan ng babae ay nakasalalay sa laki ng ari o sa haba ng pagtatalik. Sa totoo lang, ang kasiyahan ng isang tao sa sex ay hindi nakabatay sa laki ng ari o kung gaano katagal ang “performance.” Ayun nga sa pag-aaral, sobrang tagal na para sa isang babae ang 30 minutes na pagtatalik! 10-15 minutes lang ay sakto na! At hindi rin nila gusto ang masyadong malaking ari – masakit ito at hindi nakakatuwa.

Huwag kang matakot na magkaroon ng sariling style na hindi nakabase sa mga napapanood mo. Maging open lang sa pagdiskubre ng kung ano ang nagdudulot ng tunay na kasiyahan sa inyong dalawa. 

With #loveandlust,

Doc Rica

Tags: #loveandlust
Previous Post

Ginebra regains touch to take down TNT, even Finals series

Next Post

Pinoy batters extend reign in East Asia Cup with 9-2 rout of Hong Kong

Next Post
Pinoy batters extend reign in East Asia Cup with 9-2 rout of Hong Kong

Pinoy batters extend reign in East Asia Cup with 9-2 rout of Hong Kong

ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
  • News
  • Opinion
  • Entertainment
  • Sports

© 2025 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • News
  • Opinion
  • Entertainment
  • Sports

© 2025 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.