By JUN NARDO
Naiyak sina Mikeee Quintos at Paul Salas nang mapanood ang isa sa highlights ng first movie nila together, ang “Sweet As Chocolate” na si Rado Peru ang director.
Kinunan ang pasabog na highlight na ‘yun sa pinakamataas na hill sa Chocolate Hills sa Bohol at more than two hundred steps ang kailangang akyatin para makapunta sa tuktok!
“Tuwang-tuwa sina Mikee at Paul nang mapanood ang rough copy ng scene. Siguro dahil first time nila together kaya hindi nila naisip na ganoon kaganda lalabas ang chemistry nila,” pahayag ni Direk Rado sa amin.
Sa Batangas naman kukunan ang iba pang eksena sa “Sweet As Chocolate” kung saan kasama rin ang Star Magic artist na si Iya Galo at ilang veteran stars na magagaling umarte, huh!
Reunited!
Nagsama muli sina Rhian Ramos at JC De Vera!
Ito ay para sa pelikulang “Huwag Mo ‘Kong Iwan” ng Bentria Productions.
Nagkasama sina Rhian at JC sa youth oriented show ng GMA na “Click” years back kung saan na-link nga sila romantically sa isa’t isa.
Pero ayon Kay JC noong amin siyang makapanayam sa Marites University, “Mga bata pa kami that time. Walang label ‘yung sa amin. Lagi lang kaming magkausap kasi kami ang magka love interest sa series.”
Wala naman daw awkwardness between them noong magkita silang muli for “Huwag Mo Kong Iwan.”
“Natural lang ang pagkikita namin at nandoon pa rin ang closeness namin as friends,” rason ni JC.
Panoorin ang buong interview namin with JC sa Marites University streaming on YouTube at Facebook.
Also starring Tom Rodriguez, ang “Huwag Mo Kong Iwan” ay palabas na sa November 27 sa mga sinehan.