By ROWENA AGILADA
Si Nadine Lustre ang tinanghal na Best Actress sa nakaraang Metro Manila Film Festival para sa pelikulang “Deleter.”
This year, may entry na naman siya para sa 50th MMFF, ang “Uninivited.”
Kasama niya this time around sina Vilma Santos at Aga Muhlach.
Ani Nadine sa grand media launch, doble o triple ang excitement niya for the movie dahil sa role na ipinagkatiwala sa kanya. Hindi pa nga raw natatapos ipaliwanag ni Direk Dan Villegas ang kanyang karakter, agad-agad niyang tinanggap. Besides, first time niya makakatrabaho sina Vilma at Aga, mag-iinarte at tatanggi pa ba siya? Hindi lahat ay nabibigyan ng opportunity maka-work ang dalawang award-winning actors.
Super excited din si Nadine mag-join sa MMFF Parade of Stars at dumalo sa Awards Night. For sure, magiging contender si Nadine either sa Best Actress or Best Supporting Actress award.
Impressive!
Impressive ang trailer ng “Uninvited” na sa isang eksena’y ilang beses minura ni Nadine si Aga.
Mag-ama ang ginagampanan nila sa pelikula at parehas “dark” ang kanilang
characters. Ani Nadine, first time niya nakaganap ng “dark” role at wish niyang “darker” pa ang role niya sa mga susunod na projects.
Ayon naman kay Aga, nung nalaman niyang kasama sa “Uninvited” si Nadine, tinanong niya si Vilma kung leading lady ba raw niya ito? Napa-“Buti naman” siya nang sabihin ni Vilma na anak niya sa movie si Nadine.
First time ni Aga to work with Nadine, Direk Dan Villegas and with Mentorque Productions.
Tampok din sa “Uninvited” sina Tirso Cruz 111, Mylene Dizon, Lotlot de Leon, RK Bagatsing, Ketchup Eusebio, Gio Alvarez, Elijah Canlas, Gabby Padilla, Cholo Barretto, Ron Angeles.
Joint-production venture ito ng Project 8 at Mentorque Productions. Showing on December 25 sa mga sinehan.