By MELL T. NAVARRO
For the record, sa kanyang henerasyon o mga ka-edad bilang artista, si Nadine Lustre lang ang masasabing “most awarded.”
Hindi lang basta citations o nominations ang mga nakuha niya, kundi actual awards, honors, o parangal, pagkilala bilang isang mahusay na artista.
Kung tutuusin e, naka-ilang best actress na siya.
For her 2018 film “Never Not Love You,” nakopo niya ang prestihiyosong Gawad Urian best actress, FAMAS best actress, at Young Critics Circle best performance awards.
For her 2019 film “Ulan,” she got the FAMAS Netizen’s Choice for Best Actress.
For her Christmas 2021 film na “Deleter,” she grabbed the MMFF Best Actress plum and the 39th Star Awards for Movies Best Actress award mula sa Philippine Movie Press Club (PMPC).
For her 2022 film “Greed,” she clinched yet another FAMAS Best Actress award.
That’s a total of seven (7) acting recognition, all in just a span of 4-5 years.
Sa MMFF this year, nagbabalik si Nadine with her new film na “Uninvited,” directed by award-winning filmmaker Dan Villegas.
Mula ito sa Metorque Production ng executive producer na si Bryan Dy, na bumuo rin ng “Mallari” last year.
Katuwang nila this time ang Project 8 Projects.
Base sa trailer na aming napanood, muling magpapakitang gilas sa aktingan dito si Nadine na nakipagsabayan pa nga sa mga screen icons like the Star for All Seasons na si Vilma Santos at Aga Muhlach.
Hindi lang kami sure if support lang ang character ni Nadine sa “Uninvited,” pero sabi nga nila, there are no small roles sa pelikula.
Ani Nadine, unang beses pa lang niyang nabasa ang script at nalaman na ang karakter niya ay si Nicole ay na-excite na siya dahil ibang-iba nga raw ito sa mga dati na niyang ginawa.
“Nang sinabihan po nila ako to play the role of Nicole and then binabasa nila sa akin ang script, ang sabi ko po agad ay ipadala na sa akin.
“Hanggang ngayon po ay sobrang overwhelmed pa rin po ako sa pagkakataon,” masayang chika ni Nadine.
Take note that at one point e makikitang pinagmumura ng karakter ni Nadine ang karakter ni Aga.
Hindi kami magugulat if she will earn more honors for her performance in the film.
Ang “Uninvited” ay showing na sa December 25 in cinemas nationwide.