By MELL T. NAVARRO
Hindi pa man nagtatapos ang Metro Manila Film Festival (January 7 ang last day ng filmfest run), ay may international screenings na ang “Uninvited” ng Mentorque Productions.
Yes, aarangkada sa iba’t ibang bansa ang “Univited” dahil “invited” ang Dan Villegas film sa United Arab Emirates, Bahrain, at Qatar today, January 2. Susundan ito ng screenings sa USA at Canada on January 10.
Maging sa bansang Malta na bihira nating nababalitaang nagpapalabas ng Pelikulang Pinoy ay naka-sked ang movie on January 19.
Lastly, may confirmed screening din ito sa sosyal na bansang Paris, France on January 26.
So, sa mga Pilipinong residente sa mga bansang nabanggit, abangan ninyo na lang sa social media pages ng pelikula kung saang mga lugar ito ipapalabas.
But wait, there’s more.
Ang Vilma Santos-starrer ay hahataw rin sa Italy, Thailand, Singapore, at Hong Kong.
Kaya kung na-“isnab” man ang pelikula sa major awards sa MMFF noong Gabi Ng Parangal nitong December 27 sa Solaire, well, ito naman ang una sa sampung entries na may international screenings!
“Good sport” na maituturing ang Star For All Seasons na tinalo ni Judy Ann Santos for the Best Actress trophy sa 50th MMFF.
Napanood ko ang isang video kunsaan makikitang hinayang na hinayang ang isang entertainment editor na kausap ni Vilma.
Pero ang sagot lamang ng award-winning aktres na todo-ngiti, “It’s okay, it’s okay!”
Of course, wala nang dapat pang patunayan pa si Ate Vi, dahil hindi na mabilang ang Best Actress trophies niya — including MMFF best actress trophies.
Now, let’s just wait and see how “Uninvited” will fare naman sa Manila International Film Festival.
Remember na sa last edition, iba ang set of winners compared sa nagwagi sa Gabi Ng Parangal, dahil iba rin ang set of juries doon.
At marami pang major award-giving bodies sa Pinas like Gawad Urian, Star Awards ng PMPC, Luna Awards ng FAP, The Eddys, FAMAS, at Young Critics Circle.
“Uninvited” is now showing in cinemas nationwide.