By DELIA CUARESMA
Tinanghal na pangulo ng Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards sa taong 2025 si Mell Navarro ng Tempo, atpb matapos ang idinaos na taunang halalan kamakailan sa QC.
Si Fernan de Guzman naman ang inihalal na bise presidente.
Ang ilan pa sa mga nahalal:
Secretary – Jimi Escala
Assistant Secretary-Mildred Bacud
Treasurer-Boy Romero
Assistant Treasurer-John Fontanilla
Auditor-Rodel Fernando
PRO (English)-Eric Borromeo
PRO (Filipino)-Blessie Cirera
Ang bumubuo naman ng Board of Directors ay sina Roldan Castro, Evelyn Diao, Leony Garcia, Rommel Gonzales, Rommel Placente, Francis Simeon.
Sa nakalipas na 40 taon, kinikilala ng PMPC sa pagdiriwang nito ng kahusayan sa industriya ng pelikula, telebisyon at musika sa Pilipinas sa pamamagitan ng tatlong taunang okasyon, ang Star Awards for Movies, Television at Music.
Nakasentro ang PMPC sa paghahatid ng mga pinakabago at sariwang balitang showbiz sa iba’t ibang uri ng plataporma.
Sa kasalukuyang pamamalakad ng bagong pamunuan, nakatuon ang PMPC sa lalo pang pamamayagpag at pagpapatuloy ng adhikain nitong itaas ang antas ng showbiz industry.