May pangmalakihang pasabog ang GMA at ABS-CBN!
Ito ay ang kanilang pagsasanib-pwersa para sa panibagong season ng “Pinoy Big Brother” or “PBB.”
Yes, you read it right: Magsasama ang GMA Network at ABS-CBN para mabigyan ang mga fans ng show ng isang kakaibang edisyon para sa pagdiriwang ng ika-20 taong anibersaryo nito.
Ito ay ang “PBB Celebrity Edition Collab” kung saan bibida ang mga stars mula Star Magic at Sparkle!
Kinumpirma ito ng pamunuan ng ABS-CBN sa isang statement.
Anito, “Malugod naming binubuksan sa kauna-unahang pagkakataon ang Bahay ni Kuya sa GMA Sparkle artists kasama ang Star Magic talents ng ABS-CBN bilang mga bagong Housemate. Sama-sama nating saksihan ang masayang collaboration ng Kapuso at Kapamilya stars para maghatid ng mga hindi malilimutang kaganapan sa loob ng bahay.”
Kaabang-abang!