By JUN NARDO
Ninanamnam na nina Eugene Domingo at Barbie Forteza ang nalalapit na pagsisimula ng gagawin nilang movie sa Netflix na “Kontrabida Academy.”
Ang paglalaro ng tennis ang kanilang paraan upang makapag-bonding na ipinagmalaki pa nga ni Barbie sa social media.
Take note na bukod sa “Kontrabida Academy,” kalat din sa social media ang umano’y gagawing TV series sa GMA ni Barbie.
Ito ay may title na “Beauty Empire” kung saan silang dalawa naman ni Kyline Alcantara ang magbabakbakan, huh!
Antay-antay lang muna tayo sa kumpirmasyon tungkol sa series na ito.
Libreng paaral!
Scholars pareho noong college ang radio DJs na sina Nicole Hyala at Diego Bandido ng sikat na radio programa sa Love Radio na “Kumikinang Na Tambalan.”
Kaya naman saludo sila sa free college law ni former Senator Bam Aquino.
“Napakalaking bagay talaga ng batas na ‘yun dahil maraming gustong mag-aral pero walang opportunity,” saad ni Diego.
“Ang hirap mag-aral pero mas mahirap ang walang pinag-aralan,” dugtong ni Nicole na nakapagtapos ng college sa Assumption College bilang isang scholar dahil sa school na ‘yung nagtatrabaho ang mother.
Si Diego ay nag-apply bilang scholar ng isang foundation at nakapasa. Ang determinasyon niyang maiangat ang pamilyam sa mkahirapan ang rason ng pagpupurisge.
“Ang ganda ng batas na yan dahil maraming natutulungang tao. Milyon na ang students sa buong bansa ang nabigyan ng pagkakataon na makapagtapos ng college,” pahayag ni Aquino sa guesting niya sa programa nina Nicole at Diego.