By JUN NARDO
Very inspiring ang life story ng singer na si Jojo Mendrez, huh!
Galing sa hirap si Jojo na mula sa Lucena. Sa murang edad ay kanyang tinutulungan ang ina na mag-weave ng tuyong dahon ng buri kasama na pagbilang ng midrib nito upang may makain sila sa araw-araw.
Natalo man si Jojo sa unang pagsali sa singing contest sa Pitogo, Quezon, nabiyayaan naman siya ng consolation prize dahil sa charm niya.
Fave singers niya that time sina Sharon Cuneta at Pops Fernandez.
Nung 20s niya, nag-enroll siya sa Ryan Cayabyab’s School of Music at naging kaklase sina Jolina Magdangal, Roselle Nava, Lindsay Custodio, Angelika de la Cruz at Jan Marini.
Nagbunga ang pagsisikap ni Jojo at eventually naging maagaan ang buhay nila.
Ngayon nga e, ang una niyang pag-ibig na pagkanta ang kanyang pinagkakaabalahan.
Ang unang release ni Jojo ay ang revival niya ng APO Hiking Society hit na “Tuyo Nang Damdamin.”
Sinundan ito ng cover niya ng song ni Jireh Lim na “Magkabilang Mundo,” Florante’s “Sana” at “Handog.”
Nanalo ang huli sa PMPC Star Awards for Music bilang Revival Song of the Year 2018.
Of course, super hit din ang revival niya sa kanta noon ni Julie Vega na “Somewhere in My Past.”
Ang latest single niya ay ang “Nandito lang Ako” composed specially for him by Jonathan Manalo.
Tailor-made ito sa boses niya.
Nagkaroon na rin ng first major solo concert si Jojo sa Newport Performing Arts noong 2018.
Movies na kaya ang next project ni Jojo matapos mapatunayan ang husay niya sa musika?
Nakorner!
Nakorner ng News 5 ang PBA Player na si Caelan Tiongson recently.
Natanong ang cager sa umano’y kaugnayan nila ng BINI member na si Aiah.
Nakita kasi ng netizens si Aiah na nanoood ng game ni Caelan kamakailan.
Ani Caelan, “Like I’ve said before, I met Aiah through a friend at church and all I’m gonna say is that she is a good person. I’m not gonna speak on her personal life beyond that.”
Aminado naman si Caelan na BINI fan siya at gusto niya ang music ng grupo.