By JUN NARDO
Lalong lumakas ang tsansa ng dating senador na si Bam Aquino matapos makuha ang suporta ng actress/TV host na si Anne Curtis, komedyante na si Alex Calleja at beteranong aktor na si Edu Manzano!
Ibinahagi ni Alex sa X ang screenshot tungkol sa Free College Law ng dating senador.
Aniya, “Bakit si Senator Bam Aquino May libreng tution? Daig pa ang ayuda, kinabukasan ng inyong mga anak ang makikinabang! Pakisama sa listahan ninyo. Salamat!”
Agad naman ni-repost ni Anne ang post ni Alex, sabay sabi ng, “Yes!”
Obviously, ito’y bilang pagsang-ayon na nararapat talagang iboto muli si Bam sa halalan sa Mayo.
Si Edu naman, ibinalandra ang “No. 5” na official number ni Bam sa mga balota sa kanyang social media account.
Dumarami na nga ang celebrities ang sumusuporta kay Bam.
Isama mo na rin diyan si Bea Binene, na sinamahan pa ang wife ni Bam na si Timi Aquino sa house-to-house campaign sa Cebu City.
Pati ang writer-actor-manager-content creatror na si Ogie Diaz ay lubos ang suporta kay Bam Aquino!
Lumapad!
Maganda ang umpisa ng aktor na ito noong unang pasok niya sa showbiz. E may mga kamag-anak din kasi sa industriya kaya mabilis nagkaroon ng pangalan.
Kaya lang e, agad lumamlam ang karera nito dahil agad naging pabaya sa katawan. Through the years e, unti-unti itong lumapad.
Hanggang tuluyan na ngang sa nawalan na ng trabaho ang aktor.
Maging mga kamag-anak sa showbiz e, hindi na rin siya natulungan, huh!
Ngayon, nabalitaan naming may inaalagaang kamag-anak na may sakit ang aktor at binabalikan ang mga dating kliyenteng accla para hingan ng tulong!