By DELIA CUARESMA
Patok sa mga netizens ang trailer ng pelikulang “Sinagtala.”
Inulan nga ito ng papuri na iisa ang tinutumbok: kakaiba, makabuluhan at nakakaantig ang kwento.
Sey pa nga ng isang netizen, “‘Di ko pa napapanuod, naiiyak na ko!”
Ang iba pang komento:
“Looks like a really promising movie!”
“Goosebumps.”
“Kaabang-abang!”
Well, we could only agree.
Paano ba naman, mula istorya, acting, at soundtrack, maganda talaga ang pelikula.
Starring Glaiza De Castro, Rayver Cruz, Rhian Ramos, Matt Lozano, at Arci Muñoz, ang “Sinagtala” ay tungkol sa dating magkakabanda na matapos magkawatak-watak ay nagkaroon ng kani-kaniyang matinding pagdaanan sa buhay.
Sa trailer, makikitang nakulong si Rayver, nabuntis nang ‘di oras si Arci, natuklasan ni Rhian na ampon siya, at ay may lihim na itinatago si Matt sa tatay niya.
Sabay tanong ng character ni Glaiza, “Ano sa tingin niyo y’ung purpose niyo sa buhay?”
Mapapaisip talaga ang sinuman dahil sa katanungang ito.
At bibihira na sa ngayon ang ganyang tema sa pelikulang Pilipino na kung hindi patayan, trayduran, kamunduhan, pananakot e, walang humpay na kilig-kiligan ang sinesentro.
In that aspect, kakaiba ang “Sinagtala.”
Matapang nitong tinatalakay ang mga problema ng bagong henerasyon kasama na ang paghanap ng kahulugan sa buhay.
Dagdag pa rito ang panggamit ng director na si Mike Sandejas ng magic ng musika para gabayan ang mga manonood, making the film more entertaining than usual.
Ika nga ng aming kaibigan na si Jun Lalin e, mapapaindak at mapapakanta ka na, bibigyan ka pa ng bagong pag-asa ng pelikula.
Showing na ang “Sinagtala” sa mga sinehan nationwide simula April 2.