By JUN NARDO
Aminado si Yassi Pressman na matatakutin siya.
Kaya nga raw for the longest time e, ayaw niyang gumawa ng horror film.
Pero napilit siya ng Viva na sumabak for the first time ever sa horror movie na “Isolated.”
Nang tanungin namin kung bakit, aniya, “It’s challenging for me as an actor at challenging din for me personally. Gusto ko kasi mawala na talaga yung pagiging matatakutin ko and this film was worth effort. Talagang fear ang mararamdaman mo with every scene!”
Kuwento pa ni Yassi, “Actually, noong binabasa ko pa lang ang script, ramdam ko na yung takot kahit nandun ako sa isang public place, sa may swimming pool.
“Habang binabasa ko kasi, sabi ng kasama ko, ‘Nandiyan na! Nandiyan na!’ Tapos, ‘yung eksena ko pa e, sa swimming pool din. pumasok po ako sa character ko!”
Very sexy si Yassi nung makapanayam namin. At ang ganda pa rin ng face, huh!
Maging ang director ng movie na si Benedict Mique e, manghang-mangha sa angking kariktan ni Yassi!
Sey niya, “Nagulat ako sa ganda ni Yassi. Pinilit naming i-tone down ito para naman hindi distracting ang ganda niya sa movie. Pero napansin ko sa horror thriller, kahit internationally, maganda na malakas ang appeal ng bidang babae at nakita ko ito kay Yassi. Of course, naibigya niya ang requirements ng role.”
Kasama ni Yassi sa movie ang premyadong aktor na si Joel Torre na sinabing hanggang kaya niyang umarte e, gagawin niya dahil mahal niya ang kanyang trabaho.
Sa April 30 na ang showing ng “Isolated.”
Niligawan!
Mahaba ang pila ng mga party lists na gustong kunin ang endorsement ni Vice Ganda.
Pero tinanggihan ni Meme Vice halos lahat dahil hindi siya bilib sa mga pagkatao ng mga nagsusulong sa mga grupong nanligaw sa kanya.
Ayon kay Vice, nagpasya siyang suportahan ang Angkasangga Party List dahil matagal na niyang kakilala ang first nominee nito na si George Royeca na CEO rin ng riding app na Angkas na naipatupad na sa maraming lugar sa Pilipinas.
“Kasi ngayon parang gamitan na lang din ang grupo ng tao na bibitbitin ka kuno para mas mukha silang relatable, mas mukha silang masa pero mayroong kaakibat,” rason ni Vice.
Kaisa si Vice sa mga isunusulong na programa ng Angkasangga Party List.
Isa sa mga plano ng Angkas na suportado ni Vice e, ang pagkilala sa informal workers bilang importanteng kasangkapan ng ekonomiya ng bansa.
Nais din ni Vice na suportahan ni Royeca ang pro-LGBTQ+ na SOGIE bill kapag nakaupo na sa Kongreso.
Naku, malakas ang dating ng Angkasangga Party List with Vice Ganda as its endorser!