HINDI mahilig magluto si Martin Nievera, but for the love of the entertainment press, nag-effort siya. Nagustuhan ng press ang barbecue hamburger ni Martin na joke niya’y may kahalong pawis niya kaya masarap.
Idea ng manager niyang si Joy Alonso ang barbecue party na ginanap sa garden ng isang bahay na katapat ng St. Mary’s College sa Mother Ignacia cor. Sct. Gandia, QC.
Matapos magluto, hinarap ni Martin ang press at ipinahayag na may repeat ang kanyang “3D (Tatlong Dekada)” concert on Nov. 22, 7:30 p.m. sa Smart Araneta Coliseum. Ani Martin, gusto sana niya ng smaller venue, pero may bagong producer, Nolstead, Inc., kaya sino ba naman daw siya para tumanggi?
Ang Viva Entertainment ang unang producer ng “3D (Tatlong Dekada)” concert ni Martin sa Smart Araneta Coliseum last Sept. 13 in line sa 30th showbiz anniversary niya. The same production team is behind Martin in this repeat. Si Louie Ocampo ang musical director, Rowell Santiago (stage director) at ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra.
Ayon kay Martin, the same repertoire ang ipe-perform niya bagamat magdadagdag siya ng ibang kanta.
Ayaw niyang sabihin kung sino-sino ang guest performers. Pero nagbigay siya ng hint. Inimbita raw niya si Pops Fernandez and their kids (Robin and Ram), pero hindi pa nagre-reply ang mga ito. “I wish Aiza Seguerra, Gary Valenciano, Arnel Pineda, Anne Curtis, Bamboo will be there,” he said. Gusto rin daw niyang mag-guest si Lea Salonga. ’Yun na!
No regrets
No regrets si Wendell Ramos na lumipat siya sa TV5 at nag-renew ng panibagong kontrata. Happy at okey siya sa Kapatid Network, aniya nang nakausap namin sa taping ng “Tropang Moko Unli.” Napi-feel daw niyang pinahahalagahan ang trabaho niya at patuloy siyang pinagtitiwalaan ng management.
“’Yun ang importante, di ba? Masarap magtrabaho. Nakaka-inspire. Masaya,” sambit ni Wendell.
Nadagdagan ang kanyang saya ngayong kasama na sa tropa nila si Ogie Alcasid. Dati silang magkasama sa “Bubble Gang” sa GMA7. Hindi raw maiwasang alalahanin nila ang BG days nila. “Masarap katrabaho si Ogie. Chill lang siya,” ani Wendell.
Ang “Tropa Moko Unli” ang tanging show ni Wendell sa TV5 which airs every Saturday after “Showbiz Police.” Aniya, okey lang dahil nag-e-enjoy siya sa gag show. “Undercover” with Derek Ramsay ang huling teleserye ni Wendell.
Balanse na
Behaved na siya ngayon. Nababalanse na niya ang career at love life, ayon kay Edgar Allan Guzman. “Hindi na ako pasaway (laughs),” aniya nang nakausap namin sa taping ng “Tropa Moko Unli.”
Si Shaira Mae (“Artista Academy” scholar) ang bagong girlfriend ni Edgar na kasama rin sa TMU. Ang dating Sexbomb dancer na si Jolan Veluz ang kanyang ex-girlfriend at inamin ni Edgar, mas naging priority niya noon ang kanyang love life, kesa career.
“Mas okey kami ngayon ni Shaira. Nagtutulungan kami sa career namin. We support each other. Iba kasi ’yung pareho kayong may career na pinagkakaabalahan. Mas nagkakaintindihan kayo,” lahad ni Edgar.
Bukod sa TMU, abala rin si Edgar sa syuting ng pelikulang “I Love You” under Star Cinema with Piolo Pascual and Toni Gonzaga.