by Rowena Agilada
PRESSURED with pleasure ang nararamdaman ni Dingdong Dantes sa pagsisimula ng bago niyang teleserye sa GMA7, ang “Genesis.” Pilot telecast nito on Monday, Oct. 14, sa Primetime Telebabad.
Anang Kapuso Primetime King, napi-pressure siya dahil malaki ang expectations sa bago niyang teleserye. Sana raw ay tangkilikin ito ng televiewers.
Mukha namang panalo ang “Genesis” dahil impressive ang ipinakitang trailer noong presscon. Kahanga-hanga ang eksenang pinasabog ang Baguio City. Ang ganda at ang galing ng special effects na aakalaing totoo ang naganap na pagguho ng malalaking bato, ang pagbuka at pagkahati ng lupa.
Ani Dingdong, it’s a pleasure working again with Rhian Ramos. Una silang nagkatrabaho sa “Stairway to Heaven.” “Our working relationship is a lot better now,” he said. “It’s also a pleasure working again with direk Joyce Bernal and direk Mark Reyes and of course, Ms. Lorna Tolentino.”
“Genesis” also stars TJ Trinidad, Jackielou Blanco, Irma Adlawan, Ronnie Henares, Carlo Gonzales, Luanne Dy with the special participation of Bembol Roco, Gardo Verzosa, Robert Arevalo, Snooky Serna, Lauren Young, Pauleen Luna, Lito Legaspi, Laurice Guillen, Mark Anthony Fernandez, Angel Aquino, Sharmaine Centenera, among others.
Proud mama
Second time magkatrabaho sina Dingdong Dantes at Lorna Tolentino sa “Genesis.” Una silang nagkasama sa “Pahiram ng Sandali” at ani Ms. LT, thankful siya sa GMA7 for giving her the chance na makatrabahong muli si Dingdong. Masarap at magaan katrabaho ang Kapuso Primetime King at very profeSSional, ayon kay Ms. LT. Sobrang saludo siya sa work ethics ni Dingdong.
She plays Sandra Sebastian-Trinidad, ang binansagang “The Crying President” at si Dingdong naman si Isaak Salvacion, ang aatasan ni LT na magsagawa ng Operation: Genesis na ang misyon ay iligtas ang ilang piling taong dadalhin sa bagong mundo.
Sa presscon, sobrang proud naman si LT sa mga papuri ng kausap niyang entertainment writers sa anak niyang si Renz Fernandez. “Thank you, thank you at na-appreciate n’yo ang anak ko. I’m sure, kung buhay si Daboy (her late husband Rudy Fernandez), masayang-masaya siya for Renz na nabigyan ng chance maipakita ang acting capability. Nakikita ko naman, nag-e-effort si Renz to improve his craft,” ani LT.
Naaawa na nga raw siya kay Renz na Prinsipe ng Umaga ang tawag niya. Ngarag-ngaragan ito sa taping ng “Prinsesa ng Buhay Ko” at madalas ay umaga na ito nakakauwi ng bahay.
Answered prayer
After a long wait, may launching project na rin si Janine Gutierrez. Lead star na siva sa remake ng “Villa Quintana” with Elmo Magalona as her leading man. “Sobrang masaya ako. Talagang ipinagdasal ko ito. Answered prayer talaga;’ saad ni Janine.
Tinampukan noon nina Donna Cruz at Keempee de Leon ang original version ng “Villa Quintana.” Tumagal ito sa ere ng dalawang taon sa GMA7. Feeling lucky and blessed si Janine na siya ang pinagkatiwalaan ng Kapuso Network na gampanan ang karakter noon ni Donna. “Idol ko siya. Magka-Iove team sila noon ni uncle Ian de Leon,” ani Janine.
Bilang paghahanda sa launching project, nag-acting workshops si Janine kina Beverly Vergel, direk Maryo J. delos Reyes at direk Gina Alajar na siyang megger ng “Villa Quintana.” Kasama rin sa cast sina Raymart Santiago, Paolo Contis at Sunshine Dizon.