by Rowena Agilada
MAMAYANG hapon ang contract-signing ni Michael V. sa TVS na gaganapin sa isang bar-restaurant sa Ortigas. Non-exclusive ‘yun at per project ang kontrata niya sa Kapatid Network.
“Killer Karaoke Pinoy Naman” na isang game show ang unang project ni Michael. Next month ang airing nito. Umaapir pa rin siya sa “Bubble Gang” at “Pepito Manaloto” sa GMA7. Kase-celebrate lang ng BG ng 18th anniversary. Napapanood pa rin si Michael sa ” Eat Bulaga.”
Walang conflict ang mga programa ni Michael sa GMA7 at TVS dahil pinapayagan siya ng Kapuso Network as long as hindi magkaparehas ang format ng show niya sa Kapatid Network. Gag show ang “Bubble Gang” at game show naman ang “Killer Karaoke Pinoy Naman.”
Comedy naman ang “Pepito Manaloto,” samantalang variety show ang “Eat Bulaga.” As long as hindi magkakatapat ng oras at araw ang mga show ni Michael sa GMA7 at TVS, walang problema at pwede siya lumabas sa dalawang network.
Huwag idamay
Natatawa na lang si Dennis Trillo at nagtataka kung bakit idinadamay siya sa hiwalayan nina Derek Ramsay at Cristine Reyes, Luis Manzano at Jennylyn Mercado. Parehas ex-girlfriends niya sina Cristine at Jennylyn. Past is past, ayon sa Kapuso actor at ipinagdiinan niyang wala siyang kinalaman sa break-up ng kanyang ex-loves sa respective partners ng mga ito. Huwag na raw siya idamay.
Ani Dennis, nananahimik siya at masaya siya sa buhay niya ngayon, nag-e-enjoy sa pagiging single. He’s not dating anyone else at focus lang siya sa kanyang work.
Mukha namang nagsasabi ng totoo si Dennis dahil walang nababalitang bagong girl sa buhay niya after mag-break sila ni Bianca King two or three years ago. Not unless, super discreet si Dennis.
Big fan
Big fan ng “Bubble Gang” si Valeen Montenegro na aniya, Grade 3 pa lang siya’y nanonood na siya ng BG. Natuwa si Valeen nang lumipat sa TVS si Ogie Alcasid at magkatrabaho pa sila ngayon sa “Tropa Moko Unli.” Ang dami raw niyang natututunan kay Ogie sa pagbibitiw ng punch lines.
Wish ni Valeen makita sa personal si Michael V. at sana raw ay magkatrabaho rin sila. Dating ABS-CBN talent si Valeen na apo ng yumaong aktor na si Mario Montenegro, isa sa mga sikat na artista noon ng LVN Pictures. Ani Valeen, naging masaya naman siya sa pagtatrabaho noon sa Kapamilya Network.
Abangan nga pala ngayong Sabado ang Halloween Special ng “Tropa Moko UnIL” Nakakatakot, nakakatawa ang opening segment nitong “Floor Pay.” Kasunod ang funny musical segment, “Oh, Gee, Sing It” with Ogie Alcasid. “Terry Third Eye” is back with Gelli de Belen. Slapstick sketch ito ng isang five-year old kid na may third eye, nakakakita ng multo sa sementeryo na ayaw paniwalaan ng kanyang ina (Tuesday Vargas).
Tutukan din ang “Shohow All The Way,” spoof ng “Medyo Late Night Show with Jojo Alejar,” ang gag series tungkol sa “Plantation”, kasunod ang “The Beking News” Halloween Special called “Magandang Gaboom Beki,” anchored by Ogie Alcasid and Alwyn Uytingco, followed by “Battle of the Brainless” with Ogie Alcasid as Ryan Secret.