DAHIL sa success ng “She’s The One,” movie niya sa Star Cinema with Bea Alonzo, at sa magandang pagtanggap sa teleserye niyang “Genesis” sa GMA7, nagpa-thanksgiving party si Dingdong Dantes sa entertainment press. Naka-“P100 million ang STO sa box-office sa first two weeks na pagtatanghal nito sa mga sinehan at showing pa rin ito hanggang ngayon.
“Overwhelming ang magandang pagtanggap both sa pelikula at teleserye ko. Kaya naman, nagpapasalamat ako sa suporta ng press,” ani Dingdong.
This year, nakadalawang best actor award si Dingdong mula sa Gawad Tanglaw at sa Guillermo Mendoza Box-Office Entertainment Awards for his performance in “One More Try” na ginawa niya last year sa Star Cinema .
May isa pa siyang pelikulang nakatakdang gawin para sa naturang film outfit. Nakatatlong pelikula na ang Kapuso Primetime Actor sa Star Cinema, “Segunda Mano” (2011), “One More Try” (2012) at “She’s The One” (2013). Sa naunang dalawang pelikula, parehong nanalong best actor si Dingdong sa magkasunod na Metro Manila Film Festival (2011 at 2012).
Nanghinayang si Dingdong na wala siyang filmfest entry this year. Pero okey na rin, aniya dahil magkakaroon siya ng panahon for his family ngayong Christmas season. Wala siyang ipo-promote na filmfest entry, wala siyang sasalihang Parade of Stars. “Kung anuman ako ngayon, lowe it to my family. Sila ang inspirasyon ko sa pagtatrabaho. Christmas treat ko sa kanila, baka trip here or abroad,” lahad ni Dingdong.
Ayaw makialam
Good friends sina Claudine Barretto at Jenny Miller since nagkasama sila sa “Marina,” fantaserye na pinagbidahan noon ni Claudine sa ABS-CBN. Ani Jenny, alam niyang lahat tungkol kay Claudine. Ninang siva ng dalawang anak nito, Sabina at Santino (si Raymart Santiago ang tatay ni Santino).
Ninang naman sa kasal ni Jenny si Claudine at sinagot nito ang European honeymoon nila ng Fil-Am husband niya bilang wedding gift sa kanila, avon kay Jenny. Three years na silang kasal, pero wala pa silang anak.
Sa kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon nina Raymart at Claudine, ayaw makialam ni Jenny. Parehas daw niyang kaibigan ang estranged couple. At saka, sinabihan daw siva ng kanyang asawa na huwag makialam.
“Kung dalaga pa lang ako, pwede kong samahan at damayan si Claudine. Parati naman akong nag me-message sa kanya na ‘andito lang ako. Alam niya, mahal ko siya,” pahayag ni Jenny nang nakausap namin ito sa taping ng “Pyra (Ang Babaeng Apoy)” sa QC memorial circle. She plays Osang, may-ari ng peryahan kung saan nagtatrabaho si Pyra (Thea Tolentino).
Sinapian
Naniniwala ba kayo sa sapi? Tunghayan ang Halloween special ng “Magpakailanman” ngayong Sabado pagkatapos ng “Vampire ang Daddy Ko” sa GMA7. Pinamagatang “Kambal Sapi,” tunghayan ang kuwento tungkol sa kambal na sina Christine at Lourdes.
Sinapian sila at ayaw lubayan ng multo na puno ng galit. Sinapian nga ba 0 inatake lang ng epilepsy ang kambal gaya ng sabi ng doktor? Tampok sina Barbie Forteza, Krystal Reyes, Roi Vinzon, Neil Ryan Sese, Sharmaine Arnaiz, Gwen Zamora, Irma Adlawan at Lou Veloso, sa direksiyon ni Topel Lee.