AMINADO si Dingdong Dantes na hindi siya perpektong tao. May mga pagkakamali at kahinaan din siya bilang isang lalake. Hindi maiwasang may mga babaeng nagpi-flirt sa kanya kahit pa meron na siyang Marian Rivera. “Flattered akong ina-appreciate nila ako. Alam ko naman ang limitations ko,” he said.
Going strong ang relasyon nila ni Marian at feeling ni Dingdong, she’s the one na talaga for him. Nami-miss na niya working with her. Huli silang nagkatambal sa “My Beloved.” Given a chance, gusto ni Dingdong na romcom (romantic-comedy) ang next project nila ni Marian.
For now, magkahiwalay sila ng projects. May gagawing project si Marian kung saan balitang si Alden Richards ang isa sa kanyang leading man. Pinamagatang “Ang Pinakamagandang Babae sa Ibabaw ng Lupa,” ididirek ito ni Dominic Zapanta.
Focused naman si Dingdong sa “Genesis.” Aniya, hanggang January next year ito at walang extension. “Nakaka-pressure lang na kailangang panindigan namin ang pangako namin sa televiewers na mula umpisa hanggang katapusan nito’y hindi sila madi-disappoint. May mga guest kami parati at sinusubukan naming makuha si Gov. Vilma Santos-Recto,” wika ng Kapuso Primetime King.
This week, guests sina Snooky Serna, Mark Anthony Fernandez, Gardo Verzosa at Lauren Young na gumaganap bilang anak sa pagkadalaga ni President Sandra Trinidad (Lorna Tolentino).
May teenager na
How time flies! May teenage daughter na pala si Angelu de Leon. Fifteen years old na ang panganay niyang anak na si Nicole (father is Joko Diaz). Her second daughter, Lois, is 12 (non-showbiz ang tatay) at turning two naman ang boy niyang si Rafa sa non-showbiz husband niyang si Wowie Rivera.
Kasama ni Angelu ang bagets sa taping ng “Pyra (Ang Babaeng Apoy)” sa Quezon City Memorial Circle. Ani Angelu, mukhang si Rafa ang mahilig sa showbiz. ’Yung dalawa niyang girls ay walang hilig at mas gustong mag-aral. “’Yun naman ang gusto ko para sa mga anak ko, makatapos muna sila sa pag-aaral. Ako kasi, hindi nakatapos dahil nag-artista na ako noong high school ako,” lahad ni Angelu.
Kasama ni Angelu sa “Pyra” si Thea Tolentino na two years older kay Nicole, kaya parang anak ang turing niya kay Thea, ayon kay Angelu. Parati niya itong pinapayuhan tungkol sa pag-ibig. “Sinasabihan ko si Thea na mag-iingat. Dapat gamitin niya ang utak, hindi parating puso. Ayokong mangyari sa kanya, pati sa mga anak ko ’yung nangyari noon sa akin. Alam n’yo na ’yun, di ba? (laughs).”
Angelu was 18 years old when she fell in love with Joko Diaz at nagkaroon sila ng anak out of wedlock. Nag-live-in sila, pero naghiwalay rin. Angelu was at the peak of her career noong nabuntis siya ni Joko. Kasikatan pa naman ng love team noon nina Angelu at Bobby Andrews.
Month-long celebration
Sa Dec. 1-6 na ang INQCity Independent Pride Film Festival na mapapanood sa ilang piling sinehan sa Trinoma, QC. Suportado ang festival ng QC Pride Council at ni Mayor Herbert Bautista. November na, pero bakit wala pang announcement ng mga pelikulang kasali?
Ang IIPFF ay bahagi ng QC World Pride Festival at magkakaroon ng parada ng Lesbians, Gays, Bisexual at Transgenders (LGBT) community on Dec. 7 sa QC Memorial Circle. Kinagabihan naman ang Awards Night.
May participation din ang business at straight communities, non-profit organizations, civic groups, service agencies, and churches. Month-long celebration ito na ang kick-off ay sa Nov. 7 sa pamamagitan ng “Ilog Mo, Ilog Ko Buhay Ko,” creek clean-up drive sa San Francisco creek, Brgy. Del Monte (7 to 9 a.m.).