HAPPY si Benjamin Alves sa role niya sa “Adarna.” Siya si Bok, siga, maangas, makulit at laking kalye. Close friend siya ni Ada (Kylie Padilla) na may inililihim tungkol sa kanyang pagkatao. Hanggang kailan kaya maililihim ni Bok ang tunay na pakay kay Ada?
Second time to work together nina Benjamin at Kylie na ang una’y sa “Unforgettable.” Anang Kapuso actor, komportable na sila ni Kylie sa isa’t isa. He loves working with her dahil kalog at makulit si Kylie. Kung walang Aljur Abrenica si Kylie, mata-type-an kaya niyang pormahan ang dalaga? “Ayokong isipin ‘yan (mala-Piolo Pascual na tawa ni Benjamin). Ayokong masira ang friendship namin ni Kylie. Trabaho lang kami. At saka, kaibigan ko rin si Aljur. Ayoko ng intriga.”
Wala pa rin siyang lovelife, ayon kay Benjamin. Naghahanap pa rin siya. “Darating din ‘yan. Work, work, work muna ako,” he said.
No conflict
“Mabait siya,” ang tanging nasabi ni Jestoni Alarcon nang sabihin namin sa kanya na crush siya ni Pokwang at pinagnanasaan siya nito. May special participation si Jestoni sa “Call Center Girl” at may kissing scene pa sila ni Pokwang.
Ani Jestoni, kinunan ang kissing scene nila noong kasagsagan ng bagyong Yolanda. One day shooting lang siya sa CCG, ayon sa aktor.
Kasama si Jestoni sa cast ng “Adarna” where he plays Simon, ang kukupkop kay Ada (Kylie Padilla) at tatayong ama-amahan nito. Walang network contract si Jestoni, kaya nakaka-crossover siya sa mga network. Naikot na niya ang ABSCBN, TV5 at GMA7.
Nagkatrabaho na sina Jestoni at Kylie sa “Dwarfina” sa GMA at happy ang aktor na magkasama na naman sila sa “Adarna.” Kasalukuyang board member sa first district ng Rizal si Jestoni at aniya, wala namang conflict sa kanyang schedule. Nagagampanan niya nang maayos ang tungkulin niya bilang board member, kahit nag-aartista pa rin siya.
Imbiyerna!
Hindi nagpatalbog si Willie Revillame kay Sharon Cuneta na nag-donate ng t”10 million para sa mga biktima ng bagyong Yolanda . Nag-donate rin si Revillame ng P10 million.
Wala kaming balita kung ipinahihiram din ni Willie ang kanyang yate at eroplano para masakyan ng mga naghahatid ng tulong sa kabisayaan.
Nakakalungkot lang at nakakadisappoint ‘yung mga tweet ni Sharon sa kanyang Twitter account na sa isang repacking center ay kinukuha diumano ng mga namamahala ‘yung mga imported items para sa mga sarili nila. “MAHIYA NAMAN KAYO!” tweet ng megastar.
Imbiyerna rin si Sharon sa isang pulitiko. Diumano’y pinalagyan nito ng kanyang pangalan ang mga repacked relief goods for distribution. “KAPAAAL!” tweet pa ni Sharon.
Telethon
Walang “SAS” (Sunday All Stars) ngayon at isang special, “Tibay ng Pusong Pilipino” ang mapapanood. Telethon ito for the benefit of the typhoon (Yolanda) victims.
Sa mga nais mag-donate, in kind or in cash, tutok lang sa GMA7 mula 12 nn hanggang 3 pm.
Kapuri-puri talaga ang pagdamay ng mga artista (Kapamilya, Kapuso at Kapatid) sa mga biktima ni Yolanda. Kanya-kanya silang paraan sa pagtulong. Maaasahan talaga sila kapag may kalamidad o trahedya sa ating bansa. Mabuhay kayo!!!