WOW naman! Kanya-kanyang reto kay Luis Manzano after he broke-up with Jennylyn Mercado. May Team Angel Locsin at mukhang kinakarir ni Kris Aquino ang pagma-match kina Luis at Angel. Gusto niyang magkabalikan ang ex-sweethearts dahil break na rin sina Angel at Phil Younghusband.
May Team KC Concepcion since sinabi ng kanyang papa Gabby Concepcion na boto siya kay Luis for his daughter. May pogi points na si Luis kesa kay Paulo Avelino na inaming he’s dating KC.
Meron ding Team Sarah Geronimo. Marami ang kilig-kiligan noong nag-guest si Sarah sa “Minute to Win It.” Bagay raw ito at si Luis. Paano naman si Matteo Guidicelli na nali-link kay Sarah?
Si Luis, pa-smile-smile lang at mukhang naka-move on na sa break-up nila ni Jennylyn. Anang TV host-actor, okey na siya at masaya na uli. Magandang abangan kung kaninong team ang magwawagi sa pagrereto nila kay Luis. Or, perhaps may ibang pino-prospect si Manzano.
Whoever ang muling magpapatibok ng kanyang puso, welcome sa kanyang mommy, Governor Vilma Santos-Recto.
Going strong
Three years na together sina Geoff Eigenmann at Carla Abellana. Going strong ang kanilang relasyon taliwas sa naglabasang report na on the rocks ito. Deadma na lang ang showbiz couple sa mga gustong sumira ng kanilang relasyon.
Ayon kay Geoff nang nakausap namin sa presscon ng “Adarna,” wala silang problema ni Carla. Smooth-sailing ang kanilang relasyon at feel nila na they’ll end up with each other.
May balak na ba silang magpakasal? “Maybe next year. But no concrete plans yet. Tingnan natin,” sambit ni Geoff. Aniya pa, trabaho muna siya dahil six months siyang jobless.
Nagsimula na kagabi ang “Adarna” at ani Geoff, happy siya sa comeback project niya. Next week or the week after, lalabas na ang karakter niya bilang Migo Salva.
Patuloy pa
’Kaaliw si Barbie Forteza noong “Tibay ng Pusong Pilipino” (TPP) special ng GMA7. Talagang isiningit niya ang pagbati kay Dennis Trillo, her biggest crush.
Napanood din namin sa TV na magkatabi sina Dennis at Tom Rodriguez sa pagre-repack ng relief goods para sa mga biktima ng bagyong Yolanda. “Buhay na buhay” pa rin ang TomDen tandem.
’Kaaliw panoorin ang mga Kapuso stars, pati ang GMA news anchors na sama-sama sa pagtulong. May nagre-repack, may nagte-telethon, may nagpe-perform, may nagho-host. Salit-salitan sila sa mga ginagawa.
Sa napanood namin, walang big stars at lahat ay kumilos in the spirit of bayanihan. May mga nagbuhat pa ng mga sako-sakong bigas.
Hindi sa TPP special natapos ang pagtulong ng Kapuso stars at news anchors. Patuloy ang pagkalap nila ng mga donasyon. Magkakaroon ng benefit concerts, fun run at kung anu-ano pang activities para sa typhoon victims.
Nais din naming papurihan ang ABS-CBN at TV5 sa ginagawang pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda. Walang imposible at walang hindi kakayanin sa sama-samang pagtulong na makabangong muli ang mga kabababayan natin sa kabisayaan. Mahabaan at pangmatagalang tulong ang kailangan nila. Dagsa rin ang dumarating na tulong mula sa iba’t ibang bansa.