SECOND choice si Rocco Nacino sa role na Pedro Calungsod na si JM de Guzman ang original. Nag-back out ang huli sa project dahil sa personal at health reasons. Ganun man, hindi isyu kay Rocco kung second choice siya. Aniya, ang mahalaga’y sa kanya ipinagkatiwala ang project.
Besides, official entry pa ang “Pedro Calungsod: Batang Martir” sa 2013 Metro Manila Film Festival. Historical-dramatic-adventure film ito tungkol kay Pedro Calungsod, ang ikalawang Pilipinong santo (una si San Lorenzo Ruiz). Produced by HPI Synergy Group and directed by Francis Villacorta, kasama sa cast sina Jestoni Alarcon, Christian Vasquez, Ryan Eigenmann, Robert Correa, Carlo Gonzales, Andrew Schimmer at Juancho Trivinio.
Born-Again Christian si Rocco, pero aniya, hindi naging problema ang kanyang religion sa pagtanggap ng project. Naniniwala naman siya sa mga santo at nagdasal pa siya kay San Pedro Calungsod noong nagsimba ang grupo nila sa chapel nito sa Cebu.
Nag-e-expect ba siyang mananalong best actor sa MMFF? “Bonus na lang ’yun kung mangyayari. I did my best in this movie at para sa akin, mas importante na makapag-enlighten kami at ma-touch ang buhay ng mga tao… give them positivity,” saad ni Rocco.
Di natuloy
Lungkut-lungkutan si Jennylyn Mercado dahil hindi siya natuloy sa Palo, Leyte. Diumano’y nahirapan ang aktres humingi ng request sa Armed Forces para makisakay sa C-130 at madala sana niya ang mga inihanda niyang relief goods.
Wala rin daw proper coordination si Jen sa mga relief center sa Tacloban. May mga kamag-anak pa siya roon na gusto sana niyang makita. ’Yung iba’y nasa Manila na. Wala pa ring balita tungkol sa nawawala niyang lola (sa biological mom niya), kaya nag-aalala pa rin si Jen.
In any case, magiging busy na si Jen sa bago niyang primetime series sa GMA7, ang “Rhodora X.” January next year ang airing nito at happy siyang pagpasok ng 2014 ay may bago siyang teleserye.
Sa Tagaytay planong mag-celebrate ng New Year ni Jen with son Alex Jazz (AJ), mommy Lydia at ibang relatives. Sa bahay lang niya sa Commonwealth Avenue, QC sila magpa-Pasko, ayon kay Jen.
Walk of Fame Philippines
Sa Dec. 1 ang red carpet Walk of Fame Philippines na gaganapin sa Libis, Eastwood City. Si German Moreno ang founder nito at nasa ika-walong taon na ang pagbibigay niya ng tribute sa mga artista, mang-aawit at iba pang personalidad na malaki ang naging contribution sa local industry.
Ang mga pararangalan this year ay sina Jamie Rivera, TJ Trinidad, Joel Torre, Manding Claro, Wing Duo, Bembol Roco, direk Laurice Guillen, Edgar Mortiz, Vicky Morales, Gladys Reyes, Toni Gonzaga, Dr. Manny and Dra. Pie Calayan, Joel Cruz, Alice Eduardo, former beauty queens Margie Moran, Melanie Marquez, Armi Kuzela-Hilario, Stella Marquez-Araneta, Gemma Cruz-Araneta, Aurora Pijuan, Precious Lara Quigaman at Miss World 2013 Megan Young.
Kasama rin ang CNN broadcast journalist na si Anderson Cooper at ang Fil-Am Hollywood actor na si Rob Schneider. Ayon kay Kuya Germs, malaking bagay ang ginawang coverage ni Anderson tungkol sa mga sinalanta ng bagyong Yolanda para maipaalam sa buong mundo ang kalagayan ng mga kababayan natin sa Kabisayaan. Dumagsa ang maraming tulong mula sa iba’t ibang bansa.
Ayon sa Master Showman, nagpadala na siya ng sulat kay Anderson. Lubos ang magiging kasiyahan niya kung makakarating ito sa WOFP event. Kung hindi man, maiintindihan niya. With or without him, ilalagay pa rin ang hugis bituing pangalan ni Anderson. Magsisimula ang event at 5 p.m. at inaasahan ni Kuya Germs na makakarating ang local celebrities na pararangalan niya.