INSPIRED sa true-to-life story ni Senator Panfilo “Ping” Lacson ang “10,000 Hours” na pinagbibidahan ni Robin Padilla. Anang action star, pinuntahan niya sa Senado si Lacson at kinausap ito tungkol sa gagawin niyang pelikula.
“Mahal na Senador, hindi ko po gagawin ang pelikulang ito para siraan kayo. Natuwa naman siya at pumayag na gawin ko ang pelikula. Ang kinuha lang dito, ‘yung paglaban niya sa korupsiyon,” ani Robin sa presscon.
Ayon pa kay Robin, ipinapanood nila kay Senator Lacson ang rough cut ng “10,000 Hours” at nagustuhan daw nito. Nagbigay pa ito ng suggestions para sa ibang eksena.
“Seryoso talaga ang tema namin. Kahit fiction, pag may tinamaan, guilty. Bato-bato sa langit. Sana suportahan n’yo (movie press) ang pelikula namin. Wala kaming TV show. Hindi kami makapag-ingay. Umaasa na lang kami sa sulat n’yo,” wika ni Robin.
First time niya gumanap bilang isang politician at binago ni direk Joyce Bernal ang kanyang itsura. Tinanggal ang mannerisms ni Robin bilang action star, iniba ang kanyang pananamit at pananalita. Nakasalamin pa si Robin.
Siyempre, mabubusog pa rin ang moviegoers sa action scenes sa “10,000 Hours.” Kasali ito sa 2013 Metro Manila Rim Festival at kasama sa cast sina Alden Richards, Bela Padilla, Michael de Mesa, Mylene Dizon, Wyn Marquez, Pen Medina, Carla Humpries, Bibeth Orteza, Joem Bascon, Cholo Barretto, Markki Stroemm, Antonio Aquitania, atbp.
Dahil sa prinsipyo
“Panoorin n’yo ang “10,000 Hours” sa Dec. 25, para hindi kami matanggal sa 26. Bigyan n’yo kami ng chance para sa susunod na festival, totoo na ‘yun. Gusto kong bumalik ang pera ng producers,” wika ni direk Joyce Bernal sa presscon.
Aniya, January pa lang this year ay nag-commit na siya sa producers ng “10,000 Hours.” Siya rin dapat ang direktor ng “My Little Bossings” at ng isa pang festival entry. Gusto rin sana niyang makatrabaho sina Vic Sotto at Bimby Yap. Pero ani direk Joyce, may prinsipyo siyang kailangang panindigan.
“Gusto kong tulungan ang mga baguhang producer. May pera naman sila na handang sumugal sa matapang na tema ng pelikula,” lahad ni direk Joyce.
Aniya pa, first time niyang nag-shoot abroad na may permit. ‘Yung mga eksenang kinunan sa Amsterdam, walang daya, avon kaydirekJoyce. Sa eksenang habulan, mga totoong pulis ang ginamit nila. Kaya, punung-puno ng excitement.
Starstruck
First movie ni Wyn Marquez ang “10,000 Hours” at aniya, sobrang proud and thankful siya na bahagi siya ng pelikulang ito ni Robin Padilla. Anak ni Robin ang role ni Wyn at aniya, starstruck siya sa action star. Natutulala siya kay Robin at kinakabahan sa mga eksenang magkasama sila.
“Iniisip ko, bakit ‘and ito ako sa pelikulang ito? Pero he’s very supportive, very friendly at parating nagbibigay ng advice. Excited ako dahil first movie ko, pang-Metro Manila Rim Festival pa. Excited akong sumakay sa float sa Parade of Stars. Tapos, sasayaw pa ako sa Awards Night,” pahayag ni Wyn.
Ayon naman kay Robin, hindi niya alam na anak nina Joey Marquez at Alma Moreno si Wyn. Noong nagdadubbing
siya, galing na galing siya kay Winwyn. May nagsabing anak ‘yun nina Joey at Alma. “Magaling na bata,” ani Robin. Hindi nga lang niya nakatrabaho noon ang mama Alma niWyn.
Looking forward naman si Wyn na mas marami siyang trabaho sa 2014. May three-year exclusive contract siya sa GMA7 at ang una niyang project ay “Kambal Sirena” with Louise delos Reyes and Aljur Abrenica.