PINAG-UUSAPAN pa rin ang kontrobersiya sa Metro Manila Film Festival. Hindi pa rin matanggap ng fans and supporters ni KC Concepcion na natalo ito ni Maricel Soriano bilang best actress. Anila, wala naman daw bagong ipinakita si Maricel sa “Girl, Boy, Bakia, Tomboy;’ unlike KC na kakaiba ang karakter na ginampanan sa “Shoot to Kill: Boy Golden.”
Pero si KC, maluwag sa dibdib na tinanggap ang pagkatalo. Binati niya si Maricel sa kanyang Twitter account. Ayon kay KC, hindi man siya nanalo, isang malaking karangalan na naging bahagi siva ng 2013 MMFF at malaking blessing na nominated siya bilang best actress.
Noong presseon ng “Shoot to Kill: Boy Golden,” sinabi ni KC na hindi siya nag-e-expect manalo. She just did her best sa pelikula. Bonus na lang daw kung masusungkit niya ang best actress award. Malay natin, bumawi si KC sa ibang award-giving bodies at siya ang papanaluning best actress?
No show si Maricel noong MMFF Awards Night. Pag-multahin kaya siya ng P25,000? Ruling kasi ng MMFF na pagmumultahin ang mga artistang hindi nakadalo sa Awards Night. Let’s see.
Wish granted
Walang kumukuwestiyon sa panalo ni Robin Padilla bilang best actor. Kahit nanalo, hindi pa rin kumpleto ang kaligayahan niya. Mas gusto kasi niyang kumita ang “10,000 Hours para maibalik ang puhunan ng mga producer.
Pero ang mga producer na sina Neil Arce, Boy2 Quizon at Nico Juban, masaya sa mga nahakot na awards ng pelikula. Noong presseon ng “10,000 Hours,” sinabi nilang hindi man ito maging top grosser, magiging masaya na sila kung mananalo ito ng award. Hayan, hindi lang isa, humakot pa ng maraming awards ang pelikula nila.
Sobrang saya si direk Joyce Bernal hindi lang dahil nanalo siyang best director, her first award ever, kundi natupad ang gusto niyang mana long best actor si Robin. ‘Yun ang Number One wish niya noong ginagawa nila ang “10,000 Hours” na makuha ni Robin ang best actor trophy.
Bonggang bonus
Nabawi na ni Kris Aquino ang puhunan niya sa “My Little Bossings,” kaya naman, may bonggang-bonggang bonus si Ryzza Mae Dizon. Bukod du’n, trip to Disneyland at Disneyland cruise ang ipinangako ni Kris kay Aling Maliit. Ipapaayos na niya ang visa ng bagets. Siyempre, kasama ang mommy ni Ryzza dahil hindi naman pwedeng mag-travel siya mag-isa.
Bukod sa bip, nangako rin si Kris na bibigyan niya ng bahay si Ryzza. How generous naman si Kris. Ganyan naman siva pag nagustuhan 0 natuwa siya sa isang tao. Hindi ba nga’t binigyan niya si Pokwang ng isang pink baby bus? Nasaan na kava ‘yun? Ginagamit pa kava ‘yun ni Pokwang?
Apat ang producers ng “My Little Bossings,” sina Kris, Vic Sotto (M-Zet Films), Orly I1acad (Octo-Arts) at Tony Tuviera (APT Films). Bibigyan (o binigyan?) din kaya nila ng bonus si Ryzza?