Muling magtatambal sina Kristoffer Martin at Kim Rodriguez sa bago nilang teleserye sa GMA7, ang “Paraiso Ko’y Ikaw” na si Bb. Joyce Bernal ang direktor. Unang nagtambal ang Kapuso tweenstars sa “Kakambal ni Eliana.”
Natatandaan pa namin noong nainterbyu namin si Kim sa taping ng KNK, kilig-kiligan siya kay Kristoffer. That time, girlfriend pa ni Kristoffer si Joyce Ching na ani Kim, kung nagkataong single si Kristoffer at liligawan siya nito, gusto niyang maging boyfriend ang Kapuso heartthrob.
Kasama si Joyce sa “Paraiso Ko’y Ikaw” at kung totoong wala na talaga sila ni Kristoffer, hindi kaya manumbalik ang tinitimping damdamin ni Kim for him? Ang tanong pa rin, magkabalikan kaya sina Kristoffer at Joyce, kung totoong break na sila?
Gusto rin naming tanungin si Kim kung ano na bang nangyari sa panliligaw sa kanya ni Kiko Estrada? Hatid-sundo siya ni Kiko noong may ginagawa silang indie film. Gusto rin naming tanungin si Kim kung nag-effort ba si Hiro Peralta na ligawan siya muli? The last time na nakausap namin si Hiro, sinabi niyang gusto niyang ligawan muli si Kim.
Gusto naman naming kumustahin kay Kristoffer si Julie Anne San Jose. Noong malapit na kasing magtapos ang “Kahit Nasaan Ka Man,” umugong ang tsikang diumano’y may “something” sina Kristoffer at Julie Anne. Parang wala naman dahil nanahimik lang ang isyu hanggang ngayon .
Makabalik pa kaya?
Kung pagbabasihan ang sinabi ni Senator Tito Sotto sa isang radio interview sa kanya, mukhang malabo o matatagalan pang makabalik si Wally Bayola sa “Eat Bulaga.” Sa radio program ni Deo Macalma sa DZRH, tinanong niya si Sotto kung kailan babalik si Wally sa “Eat Bulaga.”
“Wala. Hindi napag-uusapan,” ang sagot ni Tito Sen. Umugong ang tsikang diumano’y babalik na si Wally sa EB on or before New Year. Inabangan noong January 1 2014 kung iwe-welcome si Wally ng mga dabarkads niya sa EB. Pero waley (as in wala) Wally na napanood. Sinusulat namin ang kolum na ito, waley pa rin si Wally sa EB. Hindi kaya forever waley na siya sa EB?
Indian culture
Naglalarawan sa Indian culture and heritage ang “Mumbai Love “ ng Capestone Pictures at release ng Solar Entertainment. Directed by Benito Bautista, modern day love story ito na kinunan sa Mumbai, India at sa ibang parte sa Manila, Philippines. Ayon kay Direk Benito, mahilig manood ng sine ang mga Indian at every year ay nakakagawa ng mahigit 1,000 movies.
Ayon pa kay Direk Benito, mahilig ang mga Indian sa pelikulang may sayawan at kapag nanonood ang mga ito, sumasayaw pa sa stage ng sinehan. Kaya naman, may mga eksenang sayawan sa “Mumbai Love.” Ipalalabas din kasi ito sa India at sa ibang bansa. Showing ito sa Pilipinas on January 22 at may premiere night on January 16 sa SM Megamall Cinema 10. “Mumbai Love” stars Solenn Heussaff, Kiko Matos, Martin Escudero, Raymond Bagatsing, Jayson Gainza, among others.
Si Bautista ay isang Filipino film maker na paroo’t parito sa USA at Pilipinas para sa mga ginagawang pelikula. Nakipag-collaborate siya kay Van He Sant (Oscar nominee) sa pelikulang “Milk” na tinampukan nina Sean Penn at James Franco.Si Bautista ang nag-direk ng award-winning na “The Gift of Barong: A Journey from Within” na bahagi ngayon ng curriculum ng Standford University para sa Standford Program for International Cultural Education (SPICE).
Ang first feature film ni Bautista, “Boundary” ay NETPAC Best Film winner sa Cinemalaya Independent Film Festival (2011), Grand Jury Award for Best Feature sa Guam International Film Festival (2012) at nominated for Best Director for “Boundary” sa Gawad Urian Awards (2012). Ang internationally acclaimed documentary film niyang “Harana” ay wagi ng maraming Audience Awards sa iba’t ibang international film festivals, kasama rito ang Hawaiian Filmfest (2012).