by Rowena Agilada
AYON sa isang very reliable source, si Kim Chiu talaga ang dapat gaganap na Dyesebel. Nagkaroon daw ng meeting ang FDG (Focus Directors Group) at napag-usapan ang tsinitang aktres. Ang kapayatan ni Kim ang hindi pumasa sa mga ito. Meron daw bang Dyesebel na patpatin? Wala raw problema sa boobs ni Kim dahil, ayon pa sa source, diumano’y nagpa-breast enhancement na ito a few years ago. Ayaw nga lang daw ito aminin ni Kim.
Kinunsider din daw si Jessy Mendiola. Kaya lang daw, nakarating sa isang direktor na kasama sa FDG ang sagot ni Jessy nang tanungin ito kung ano’ng masasabi nito sa naturang direktor. No comment daw ang sagot ni Jessy na tila hindi nagustuhan ng direktor. Dagdag pa ng source, hindi rin diumano, nakapasa sa FDG ang akting ni Jessy sa “Maria Mercedes.” Kaya na-lost ang chance niyang maging Dyesebel.
Ayaw paawat ang source at sinabi pa nito, kaya raw tumigil na si Sam Milby sa panliligaw kay Jessy ay may natuklasan ito sa ugali ng dalaga. Gano’n din daw si Matteo Guidicelli, kaya hindi ito nag-pursue sa panliligaw kay Jessy. Binanggit ng source ang diumano’y ikina-turn off nina Sam at Matteo kay Jessy, pero off-the-record na lang daw namin. Si Jake Cuenca, patuloy pa rin kaya ang panliligaw kay Jessy?
Unanimous choice
Mula pa rin sa aming ever reliable source na wagas na wagas ang pagtsika, hindi naman daw inalok kay KC Concepcion ang Dyesebel. ’Yun lang daw fans and supporters ni KC ang naglagay sa isipan ng dalaga na bagay sa kanya ang mag-Dyesebel. Napanood kasi ng mga ito si KC sa “Kris TV” na nag-ala-Dyesebel sa paglangoy with matching buntot. Sirenang-sirena ang dating ni KC.
Ayon pa sa source, unanimous choice ng FDG si Anne Curtis para gumanap na Dyesebel. Agad-agad tinawagan si Mr. Vic del Rosario (ng Viva Entertainment, management company ni Anne) na sana’y tanggapin nito ang project ng Dreamscape Productions for Anne. Biglaan ’yun, kaya pagdating ng aktres mula sa kanyang Holiday vacation sa Canada, nasorpresa siya nang ipaalam sa kanya na siya ang bagong Dyesebel. Nauna pa nga ang announcement ng Dreamscape Productions bago ang story con nito.
Sinabihan
Tungkol pa rin kay Kim Chiu, sinabihan pala siya ni Kris Aquino na sana raw ay tinagalog na lang niya ang sinabi niya sa presscon ng “Bride for Rent.” Tumatak sa mga naroong entertainment writers ang sinabi ni Kim na “We don’t owe you any of our personal lives.”
Ang dating sa iba, nagtaray at nambastos si Kim. Ayon sa kanyang defenders, baka naman daw hindi gano’n ang ibig sabihin ni Kim at hindi niya inisip na pagtataray o pambabastos ang sinabi niya. Gano’n?
“Sana sinabi na lang ni Kim, “Pwede po ba, ibalato n’yo na lang po ’yun sa amin? Gusto po naming maging pribado ang buhay namin (Xian Lim),” anang source. Sabi pa nito, baka raw nagandahan lang si Kim sa English quotation na ’yun, kaya nasabi niya ’yun. Whatever!
Isyu
Isyu pa rin ’yung diumano’y hindi pakikiramay ni Kris Aquino kay Ai Ai delas Alas noong namatay ang biological mother ng huli. Nasa Holiday vacation sa London si Kris with her sons Joshua and Bimby. Ayon sa source, nag-text si Kris kay Ai Ai.
May paliwanag ang source kung bakit hindi naman nakapagpadala ng bulaklak si President Noynoy Aquino sa burol ng mother ni Ai Ai. Nagkataon daw, holiday, walang pasok sa opisina, kaya hindi nakontak ang taong namamahala kapag may namamatayan. Wala raw pwedeng magbilin sa staff nito na magpadala ng flowers. Nasa Baguio naman daw si PNoy. Wala rin daw ang mga kapatid na babae ni Kris at nasa bakasyon din.
Ano kayang reaction ni Ai Ai?