by Rowena Agilada
CONCERT King si Martin Nievera, pero naranasan niya na nag-perform siya na dalawa lang ang audience. Believe it or not, pero mismong si Martin ang nagkuwento nang nakatsikahan namin siya sa presscon para sa Valentine concert nila ni Regine Velasquez , “Voices of Love.” Gaganapin ito on February 14 sa SM Mall of Asia Arena.
Ayon kay Martin, nangyari ito sa Las Vegas many years back. May kumuha sa kanya para magperform sa Aladin Hotel (now Planet Hollywood). Pinapirma siya ng one-year contract. Ani Martin, noong first month niya, bongga ang show niya at maraming nanood. Noong second month niya, big lang nawala ang contact person niya. Nagpatuloy pa rin siya sa pagso-show, kasama ang banda for free.
Paunti-unti ang mga nanonood hanggang naging dalawa na lang. He felt bad,kaya hindi na niya tinapos ang show. Pero patuloy pa rin ang banda sa pagtugtog kahit walang bayad ang members,ani Martin. Hindi niya tinapos ang one-year contract niya. ‘Yun ang biggest downfall niya bHang isang concert artist,ayon kay Martin.
Nag-rebelde
Naranasan din ni Martin maging bum sa Las Vegas. Patambaytambay hanggang nag-rebelde siya, nagpakulay ng buhok, naging car wash boy, nag-vacuum ng mga sasakyan, et cetera. Pag-amin ni Martin, malaki ang naging epekto sa kanya ng separation nila noon ni Pops Fernandez. Nawalan siya ng career dahil ang simpatiya ng publiko ay kay Pops.
Nawalan siya (Martin) ng offer para mag-concert, kaya nagdesisyon siyang magpunta sa Las Vegas. Doon niya na-realize na hindi totoo na kung gusto mo ng greener pasture, mangibang-bansa ka. Hindi ‘yun
nangyari sa kanya, lahad ni Martin.
No matter what, he’ll always be a Singer-performer, ani Martin. “Performing is my happiness. Pwede ko mailabas ‘yung saya at lungkot ko when I’m performing on stage. I hate ‘yung sinasabi nilang’ the show must go on’ when bad things happened. Mahirap itago ‘yung nararamdaman mo, ‘yung pain, frustrations,”saad ni Martin.
Hirap magbuntis
Sa isang charitable institution pinili ni Yasmien Kurdi i-celebrate ang kanyang birthday last week. Kasama niya ang one-year old daughter niyang si Ayesha na ani Vas, gusto niyang sa murang edad ng bagets ay maimulat na niya rito ang pagtulong at pagpapahalaga sa mga less fortunate children.
Nag-enjoy naman ang bagets sa pakikihalubilo sa mga batao Ayaw pa sundan ni Vas si Ayesha dahil aniya, hirap siyang magbuntis. Besides, gusto muna niyang ma-enjoy ang payat-payatan niyang itsura ngayon. “Hirap kayang magpapayat (Iaughs);’sabi ni Vas.
Aniya pa, ngayon pa lang siya nakakabuwelo muli sa kanyang showbiz career,kaya out muna ang muling pagbubuntis. Napapanood si Yasmien sa “Rhodora X” kung saan magkapatid sila ni Jennylyn Mercado. Ani Vas, wala silang sapawan o kabugan sa mga eksena nila.
Happy ang buong cast ng “Rhodora X” sa magagandang feedback na nakakarating sa kanila.Para raw isang malaking pelikula ito sa mga eksenang ipinapalabas sa gabi-gabing pagtutok ng mga tagasubaybay nito.First time on Philippine television ang ganitong tema ng teleserye, pagmamalaki ng “Rhodora X” cast.