by Rowena Agilada
WALANG Valentine date si Derek Ramsay kahapon (o kagabi) dahil nasa Davao siya para sa isang mall show ng TV5. Nag-promote siya ng “Bawat Sandali,” telemovie niya na hatid ng Studio5 Original Movies. Nasa Bacolod naman siya ngayon hanggang bukas para sa isang fun run.
Nakausap namin si Derek bago ang press preview ng “Bawat Sandali” sa Studio 4 ng TV5 sa Mandaluyong City. Aniya, single siya since nag-break sila ni Cristine Reyes. Malabong magkabalikan sila dahil they’re better off as friends. “Hindi kami nag-aaway noong friends pa lang kami. Noong nagkarelasyon kami, away kami nang away,” said Derek.
Aniya, nagkita sila ni Cristine last week sa wedding ni Ranvel (anak ni June Rufino and the late Randy Rufino). “We’re okey. No awkwardness. Kahit noong nagkasama kami sa series of shows sa Hawaii after we broke up, we’re okey. May mga tao kasing meant to be friends lang talaga,” pahayag ni Derek.
Aniya pa, kaibigan din niya ang isa pa niyang ex-girlfriend na si Solenn Heussaff. He’s happy for her sa magandang takbo ng career nito ngayon. “She’s getting better and better in her craft. I’m looking forward to working with her in a project,” saad ni Derek.
Kung napapanatili niyang mga kaibigan hanggang ngayon sina Cristine at Solenn, friends din kaya sila ng isa pa niyang ex-GF na si Angelica Panganiban? Sayang at hindi namin ito naitanong kay Derek, dahil pinapasok na kami sa Studio 4 para panoorin ang “Bawat Sandali.”
Lovestruck
Heartwarming ang istorya ng “Bawat Sandali” na pinagbibidahan nina Derek Ramsay, Angel Aquino at Yul Servo, with Mylene Dizon, Phillip Salvador, Perla Bautista and Mon Confiado. Directed by Eric Quizon and Joel Lamangan, shot in Taal, Batangas ito.
Mag-asawa sina Yul at Angel na may isang anak na batang babae. Sa isang hindi inaasahang pagkakataon, nagtagpo ang mga landas nina Angel at Derek nang nagbakasyon sa Batangas si Angel with her daughter. Naiwan sa Manila si Yul dahil sobrang busy nito sa trabaho.
Na-lovestruck si Derek kay Angel hanggang may “nangyari” sa kanila na humantong sa isang trahedya at misteryosong krimen. Ang ganda at kapanapanabik ang mga sumunod na eksena. Ang galing ng pagkadirek nina Eric at Joel, pati ang script na sinulat ni Raquel Villavicencio. Nang dahil sa pag-ibig, may nasaktan, may nagparaya, may nagpatawad at may tumanggap ng kamalian. Ang gagaling ng buong cast, sakto sa makaantig-damdaming kuwento ng pag-ibig.
Huwag palampasin ang “Bawat Sandali” na bahagi ng Love Month series ng Studio5 Original Movies na mapapanood sa Feb. 25 sa TV5.
Tomboy na?
Moving on si Chynna Ortaleza sa break-up nila ni Railey Valeroso. Ten years ang naging relasyon nila at ayaw ni Chynna pag-usapan kung ano o sino ang dahilan ng kanilang break-up. No talk, no intrigue nga naman.
May intrigang diumano’y ayaw na ni Chynna makipag-relasyon sa lalake. Babae na raw ang type niya ngayon. Tomboy-tomboyan na siya ngayon. Bago magtaasan ang mga kilay n’yo, role lang ’yun ni Chynna sa episode na mapapanood ngayong Sabado sa “Magpakailanman.”
Pinamagatang “My Lesbian Lover: The Jing and Clemen Love Story,” Chynna plays Jing, isang mayamang tomboy na may anak. Nagpanggap siyang mahirap para subukan kung magugustuhan siya ni Clemen, isang bar girl. Bumalik ang ama ng anak ni Jing at gusto ng kanyang ina na ipakasal siya rito. Sundin kaya ni Jing ang kanyang ina o ang tibok ng kanyang puso? Tampok pa rin sina Isabelle Daza, Luis Alandy, Robert Ortega, John Arcilla, Susan Africa at Ms. Gloria Romero.