by Rowena Agilada
SA Lunes (March 17) na magsisimulang mapanood ang “Dyesebel” sa ABS-CBN Primetime Bida. Deadma na lang si Anne Curtis sa mga nang-ookray na matanda na raw siya para gumanap sa naturang role. Hindi naman niya ’yun hiningi o ipinagpilitan ang kanyang sarili. Unanimous choice siya ng Dreamscape Television Entertainment (DTE).
Nagulat pa nga si Anne nang pagdating niya mula sa kanyang US vacation ay isang magandang balita ang isinalubong sa kanya ng DTE. Siya raw ang gaganap bilang Dyesebel. Maraming Kapamilya stars ang nangarap maging Dyesebel. Sorry na lang dahil kay Anne ipinagkatiwala ang magandang project.
Ani Anne, ito’y dream come true for her dahil sa mga interbyu noon sa kanya, parati niyang sinasabing gusto niyang gumanap bilang Dyesebel. Thankful siya na nabigyan katuparan ’yun ng DTE.
Ka-cheap-an
Anderson at Sam Milby ang leading men ni Anne Curtis sa “Dyesebel.” Gaganap si Gerald bilang Fredo at isang siyokoy naman si Sam. Big challenge kay Sam ang role niya dahil walang siyokoy na Inglisero. Talagang kinarir ni Sam ang pag-aaral magsalita ng Tagalog.
Ex-sweethearts sina Sam at Anne. Huwag nang isipin o ilusyuning baka magkabalikan sila. Ka-cheap-an na ’yun! Sobrang happy si Anne sa relasyon nila ni Erwan Heussaff. Happy rin si Sam with his life now kahit kine-claim niyang single pa rin siya matapos silang mag-break ni Anne.
Kasama rin sa cast ng “Dyesebel” sina Albert Martinez, Dawn Zulueta, Eula Valdez, Ai Ai delas Alas, John Regala, Alan Paule, among others. Impressive ang trailer ng “Dyesebel” at kaabang-abang talaga ang bagong fantaseryeng ito ng Kapamilya Network.
Di pinigilan
Paalis today si Kylie Padilla papuntang Australia para magbakasyon. ’Andun ang mommy (Liesel Sicangco) niya at mga kapatid na sina Queenie, Shin at Ali. Isang buwan mananatili sa Australia si Kylie, kaya wala siya sa birthday ni Aljur Abrenica on March 24.
Matagal nang naka-book ang flight ni Kylie papuntang Australia, kaya hindi na siya pinigilan ni Aljur na ipagpaliban na lang ang pag-alis niya para magkasama sila on his birthday.
Ang papa Robin Padilla naman ni Kylie ay bakasyon-grande sa Spain kasama ang misis na si Mariel Padilla. Ang sipag mag-post ni Robin sa kanyang Instagram account ng mga picture nila kasama ang ibang OFWs sa iba’t ibang lugar na pinupuntahan nila. Mga historical places sa Spain ang paboritong puntahan ni Robin. Sa isang picture, may kuha siya sa harap ng monumento ni Dr. Jose Rizal na kagayang-kagaya ng monumento nito sa Luneta Park, Manila.
Inilalayo
Dagdag na karakter si Glaiza de Castro sa “Rhodora X.” Unwed mother siya at inmate siya ni Angela (Yasmien Kurdi).
Mamaya sa “Rhodora X,” nagkaayos na sina Derrick at Lourdes. Buburahin na ni Derrick ang CCTV footages sa laptop. Sasamahan nila si Rhodora sa pagpapa-check up sa baby nito.
Inilalayo ni Rhodora kay Angela ang parents nila at hindi na siya dinadalaw ng mga ito sa kulungan. Sasabihan si Angela ng kanyang abogado tungkol sa insanity plea niya.