by Rowena Agilada
UMALIS na kahapon ang pamilya Gutierrez para sa cruise ship nila kaugnay ng kanilang reality show, “It Takes Gutz to Be a Gutierrez.” Ang destinations nila’y Singapore, Phuket, Thailand, Kuala Lumpur, Malaysia, Malaka, among other places.
A day before they left, nag-presscon muna si Ruffa Gutierrez para sa bago niyang product endorsement, Cosmo Skin L-Glutathione ng Bargn Farmaceutical Philippines Company (BFPC). Aniya, hindi siya naniniwala sa mga whitening product not until sinubukan niya ang Cosmo Skin. In just seven days, nakita niya ang malaking pagbabago sa kanyang skin at lalo siyang naging flawless.
“Skin care is very important, to feel healthy and more confident,” ani Ruffa. “I’m no longer a teenager at kailangang pangalagaan ko ang skin ko. Kailangang maging confident ako, maging flawless even without make-up.”
Aniya, twice a day siya umiinom ng Cosmo Skin L-Gluthathione capsule at may kasama na rin itong vitamin C. Nagbaon nga siya ng kahon-kahong kapsula at binigyan niya rin ang kanyang mommy Annabelle Rama para mainom nila habang nagku-cruise ship sila para sa kanilang reality show.
Ewan kung seryoso o joke lang ni Ruffa na gusto niyang bigyan ng Cosmo Skin capsules ang ex-husband niyang si Yilmaz Bektas para pumuti ito. Okey sa kanya ‘yung suggestion ng mommy niyang pumunta sila sa Istanbul, Turkey para mag-shoot ng kanilang reality show.
“Depende sa magiging agreement namin ni Yilmaz. Matagal na niya akong iniimbitang pumunta sa Istanbul para makita niya sina Lorin at Venice. For now kasi, hindi kami nag-uusap. No communication at all. Kung hindi siya nag-e-effort makita ang kids namin, okey lang. Hindi ko siya pinipilit. Kaya kong buhayin ang mga anak ko. Pinag-aaral ko sila sa international schools,” lahad ni Ruffa.
Pinakamaganda
Si Yeng Constantino ang kumanta ng theme song ng “Dyesebel” noong presscon habang isa-isang rumampa sa stage ang cast headed by Anne Curtis, Gerald Anderson, Sam Milby, and their co-stars. Si Lea Salonga naman ang kakanta ng theme song sa fantaserye version kapag lumabas na si Anne bilang Dyesebel.
Ani Anne, pinangarap niyang siya sana ang kakanta ng theme song. Pero sa soundtrack nito, may isa siyang kanta, kaya okey na rin, aniya.
Wish din ni Anne na siya pa rin ang gaganap na Dyesebel kapag isinapelikula ito. Aniya, enjoy siya sa taping kahit giniginaw siya sa sobrang lamig ng tubig sa dagat. Sa Coron, Palawan, Lobo, Anilao at San Juan, Batangas sila nagsu-shoot ng underwater scenes.
Kung nag-e-enjoy si Anne sa kanyang underwater scenes, inamin naman ni Sam Milby na nahihirapan siya. Isang siyokoy ang role niya at aniya, nahihirapan siyang lumangoy dahil may buntot siya. “Mahirap umarte kapag underwater scene. Ang daming struggles,” he said.
Nagkatrabaho na sila ng ex-GF niyang si Anne sa “Diyosa,” kaya walang awkwardness sa muling pagsasama nila sa “Dyesebel,” ayon kay sam. Para sa kanya, hindi lang isa sa pinakamaganda sa showbiz si Anne kundi, “Pinakamaganda siya. She’s perfect and deserving of the role (‘Dyesebel’),” saad ni sam. Ay, haba ng hair ni Anne!
Mapapanood na simula bukas ang “Dyesebel” sa ABS-CBN Primetime Bida pagkatapos ng “TV Patrol.” Powerhouse cast ito na kinabibilangan nina Dawn Zulueta, Gabby Concepcion, ZsaZsa Padilla, Eula Valdez, Albert Martinez, Ai Ai delas Alas, Gina Pareno. Kasama rin sina Bangs Garcia, Ogie Diaz, Neil Coleta, Markki Stroem, Bodie Cruz, Nico Antonio, David Chua, Young JV at Erin Ocampo. Sa direksiyon nina Don Cuaresma at Francis Pasion.