by Rowena Agilada
ELEMENTARY graduate lang si Chef Boy Logro, pero dahil sa sipag at tiyaga, rich na siya ngayon. Five years pa lang siyang nagtatrabaho sa GMA 7, pero ang dami na niyang investments. Apat ang sasakyan niya… Fortuner, Pajero, Hilllux at multi cab. Dalawa ang culinary schools niya, CLICKS (Chef Boy Logro’s Institute of Culinary Kitchen Services) sa G.M.A., Cavite at isa sa San Juan, MM. May restaurant pa siya (Chef Boy Logro Yum Yum) sa Muntinlupa City. May product endorsements pa siya.
Nagpapatayo rin siya ng resort sa Davao at nagpapagawa ng simbahan sa Compostela Valley. May mansion din siya sa Cavite. Apat ang anak ni Chef Boy, tatlong lalaki at isang babae na mga chef din tulad niya. Aniya, ang misis lang niya ang hindi marunong magluto sa pamilya nila.
Bilang isang chef, ultimate dream ni Chef Boy ang magkaroon ng Culinary University sa Pilipinas.Wish din niyang mag-courtesy call kay President Noynoy Aquino at bigyan daw sana siya ng recognition bilang Unang Pilipino na Magaling na Kusinero sa Pilipinas. Kung mabibigyan daw siya ng pagkakataong ipagluto si PNoy, grilled lapu-lapu with kalamansi butter sauce ang iluluto niya para sa pangulo.
Bukod sa “Idol sa Kusina,” may bagong show si Chef Boy Logro sa GMA7, “Basta Every Day Happy (BEDH)” na magsisimula sa Lunes (May 12) at 11 a.m. Morning talk variety show ito, kasama sina Donita Rose, Alessandra de Rossi at Gladys Reyes. Directed by Louie Ignacio.
Ani Chef, Boy, hindi lang siya magluluto sa show kungdi ipapakita rin niya ang talent niya sa pagsasayaw. Sumayaw nga siya sa presscon kasama sina Donita at Alessandra. Late dumating si Gladys dahil sumamba muna siya sa church nila (Iglesia ni Cristo).
Dahil sa pera
Nice to see again Donita Rose na nagbabalik-TV. Huli siyang napanood sa “Umagang Kay Ganda” sa ABS-CBN. Nilinaw niyang hindi siya inalis sa naturang morning show kungdi siya ang umalis. Nagpunta siya sa USA at nag-aral ng Culinary Arts. Nagtrabaho rin siya roon sa isang Italian at Japanese restaurants.
Naka-base ang pamilya niya (husband Erik Villarama and son JP) sa Las Vegas, USA kung saan kasama nila ang kanyang mommy. Naiwan doon ang mga ito nang bumalik si Donita sa Pilipinas almost two weeks ago para mag-taping ng “Basta Every Day Happy.” Aniya, magpapabalik-balik siya sa USA at Pilipinas habang may trabaho siya sa GMA.
“Very supportive sa akin ang husband ko. Biggest fan ko siya at sobrang proud siya when he tells I’m the most beautiful wife (laughs),” saad ni Donita who’s turning 40 on Dec. 5 this year. Wala sa itsura niya dahil she looks younger than her age. Nine years old na ang panganay nilang anak. Gusto na nga nila itong sundan. Kaya lang, dumating ang offer ng GMA na maging bahagi siya ng BEDH. “Dahil sa pera kaya tinanggap ko. Joke! (laughs), ani Donita.
Mother’s Day presentation
Tampok ngayong Sabado sa Mother’s Day presentation ng “Magpakailanman” sina Sheena Halili, Lani Mercado, TJ Trinidad at Allan Paule. Sa episode na pinamagatang “A Mother’s Sacrifice: The Rebecca Advincula Story,” isang single mother ang ginagampanan ni Sheena.
Para masuportahan ang anak, namasukan siya bilang katulong sa Maynila. Tiniis niyang mawalay sa anak niyang si Jason. Isang araw, ibinalita ng kanyang ina na nawawala si Jason. Kasabay nito ang pagkalat ng balitang may mga batang nawawala na ninanakawan ng mga lamang-loob at/o may batang kinikidnap at ipinapasok sa sindikato.
Alamin kung paano nahanap ni Becca ang nawawalang anak at kung ano’ng nangyari sa bata. Tutok lang sa “Magpakailanman” pagkatapos ng “Vampire ang Daddy Ko” sa GMA7.