by Rowena Agilada
SELF-confessed gay si Ogie Diaz at hindi niya ikinahihiya ang pagiging bading niya. Aniya, ganoon din siya kapag nasa bahay at wala siyang inililihim sa partner niyang si Georgette at sa apat nilang anak na babae aged, 12, 10,6 and 4. Tanggap din siya ng pamilya ni Georgette.
Gusto nilang magkaanak ng lalaki. Kung maging bading ito, tatanggapin niya, ani Ogie. Thirteen years na silang together ni Georgette at kapag daw naramdaman niyang gusto na niya itong pakasalan, kahit natutulog pa ito’y gigisingin niya para yayaing magpakasal na sila, ayon pa kay Ogie.
Hindi isyu sa kanila kung kasal sila o hindi. “Mas challenging ‘yung hindi pa kami kasal. ‘Yung iba diyan, kasal nga, naghihiwalay naman, di ba?” katwiran ni Ogie.
Daig nga niya ang ibang tunay na lalakeng padre de pamilya sa pagiging responsableng partner at tatay. Good provider si Ogie. Aniya, “Kailangang marami kang alam na trabaho para masuportahan mo ang pamilya mo.”
‘Yung TF (talent fee) raw niya sa “Maybe This Time (MTI) ay timing para sa enrolment ng apat niyang anak. Feeling daw niya, bayad na ang buong school year ng mga ito this June.
Full contract siya sa MTI at sobrang grateful siya sa ABS-CBN sa pagtitiwalang ibinibigay sa kanya for the past 22 years niya sa Kapamilya Network. May guaranteed contract si Ogie, kaya with or without project, may TF siya. Bongga, di ba naman?
Dahil sa kakulitan
Nagbunga ang pangungulit ni German Moreno sa GMA? na bigyan siya ng teleserye. Aniya, panay ang parunggit niya na isa lang ang TV show niya (“Walang Tulugan with the Master Showman”) at abunado pa siya sa mga guest niya. Bukod dito, meron siyang radio program sa DZBB, Monday to Friday at 2:30 p.m.
Kasama si kuya Germs sa “Nino,” bagong primetime series ng Kapuso network na magsisimula ngayong Lunes (May 26) pagkatapos ng “24 Oras.” He plays Kapitan Pepe, isang barangay captain. Masaya at enjoy si kuya Germs sa bago niyang show dahil kasama niya ang mga kaibigan niyang beteranang aktres na sina Ms. Gloria Romero at Luz Valdez. Magkakasama sila sa service van at hatid-sundo sila sa taping nila sa Pagsanjan, Laguna.
Thankful si kuya Germs sa GMA management dahil pinapayagan siyang mag-absent sa kanyang radio program kapag may taping siya ng “Nino.” Nagpo-phone patch na lang siya sa mga kasama niyang “badingding” sa kanyang radio program at nagkukuwento siya ng mga kaganapan sa taping o kaya’y sa ibang napapanahong isyu.
Kumusta naman ang relasyon ng alaga niyang si Jake Vargas at Bea Binene? “Ay, naku, hindi ako nakikialam sa relasyon nila. Bahala sila!” sambit ni kuya Germs.
When asked kung wala na ba si Jake sa SAS (“Sunday All Stars”), pakli ni kuya Germs, “Napapagod daw siya. Siguro, pa-guest-guest na lang muna siya.”
Ayaw pa magpaligaw
At 14, ayaw pang magpaligaw ni Bianca Umali. Nang tuksuhin nga siya ng entertainment writers kina Miguel Tanfelix at Renz Valerio noong presscon ng “Nino,” smile lang si Bianca. Parehong ina min ng mga ito na crush nila si Bianca. Aniya, hanggang friends lang ang turing niya kina Miguel at Renz.
“Silang dalawa ang madalas mag-text sa isa’t isa,” sey ni Bianca when asked kung tinetext ba siya nina Miguel at Renz.
Ayon pa kay Bianca, parehong makulit sina Miguel at Renz. “Si Miguel, special child gaya ng role niya sa ‘Nino: Joke!”sambit ni Bianca.
Bukod sa “Nino,” magkasama rin sina Miguel at Bianca sa gaga wing sitcom nina Ryan Agoncillo at Carla Abellana, ang “Ismol (or Small?) Family.” Si Dominic Zapata ang direktor.