by Rowena Agilada
NEW look si Derrick Monasterio for his role sa bago niyang afternoon drama series sa GMA7, “The Half Sisters.” May balbas siya sa magkabilang pisngi at may manipis na bigote. He plays Baste Torres, isang working student na magiging close friend ni Diana Alcantara (Barbie Forteza).
Asked kung nanliligaw na ba siya kay Barbie, “Hindi naman kailangang maging kami. Good friends kami at sweet ako sa kanya. Mahal mahalin si Barbie (laughs),” sagot ni Derrick.
Earlier ay nakausap namin si Barbie and she told us, pwede na siyang mag-boyfriend at welcome sa kanya ang mga manliligaw. She’s turning 17 on July 31 at turning 19 naman si Derrick on Aug. 1.
“Basta ako waiting lang. Ayoko namang mag-assume na nanliligaw sa akin si Derrick. Ayokong bigyan ng kahulugan kung anuman ang ipinapakita o ipinaparamdam niya sa akin,” words to that effect na wika ni Barbie.
Bait-baitan ang karakter niya sa “The Half Sisters” at pinagmamalditahan siya ni Thea Tolentino (as Ashley Alcantara), ang kanyang half sister.
Pamilya sila
Si Jomari Yllana ang biological father ni Barbie Forteza sa “The Half Sisters.” He plays Benjamin/Benjie Valdicanas, ex-boyfriend ni Rina (Jean Garcia). Puring-puri ni Jom si Barbie at aniya, very promising ito. Very professional at nakikita niya ang pagmamahal ni Barbie sa trabaho.
Halos ka-edad ni Barbie ang anak ni Jom na si Andrei. Sixteen years old ito at 3rd year high school sa Lourdes School. Ayon kay Jom, gustong mag-artista ni Andrei. May interest din daw ito sa car racing gaya niya. “Kung ano’ng gusto niya, susuportahan namin siya ng mommy niya (Aiko Melendez),” saad ni Jom.
Nanood nga ang kanyang mag-ina, kasama si Marthena (anak ni Aiko kay Martin Jickain) ng car racing event na sinalihan ni Jom sa Batangas Racing Circuit sa Rosario, Batangas. First runner-up si Jom. After 12 years, binalikan ng aktor ang paborito niyang sport na car racing. Ani Jom, gusto niyang magtayo ng Yllana Racing School kung saan magtuturo siya ng car racing. Licensed car racer ang aktor.
Kumusta naman sila ni Aiko? May posibilidad kayang magkabalikan sila ngayong pareho silang single? “We’re okey. Steady lang. Nagkakaintindihan kami. Ipinapasa-Diyos na lang namin kung ano’ng nakatadhana sa amin. Pamilya kami, si Aiko, si Andrei at si Marthena na parang anak ko na rin. Magaan ang loob ko sa kanya. Nagba-bonding kami as a family,” lahad ni Jomari.
May pinagdaraanan
Year 2009 namatay ang mommy Linda nina Maricel at Mel Martinez, pero hanggang ngayon ay hindi pa fully nakaka-recover si Mel. Nakausap namin si Mel sa presscon ng “The Half Sisters” at aniya, nalulungkot at napapaiyak pa rin siya kapag naaalala niya ang kanyang mommy.
Si Mel ang bunso sa kanilang magkakapatid at sobrang close siya sa kanyang mommy. May pinagdaraanan na naman silang magkakapatid ngayon dahil may sakit ang kanilang daddy. Thrice a week ay nagda-dialysis ito dahil may kidney failure ito at diabetic pa.
“Kailangan kong kumayod dahil madugo (magastos) ang dialysis. Tulung-tulong kaming magkakapatid sa gastos,” ani Mel. Meron din siyang restaurant, Kusina ni Bunso sa Morato, QC. Doing very well ito, ayon kay Mel.
He plays Venus sa “The Half Sisters,” ang beautician gay cousin confidante ni Jean Garcia. Si Mel ang magpo-provide ng comic relief sa drama series na ito ng GMA7 na mapapanood simula sa Lunes, June 9 pagkatapos ng “Eat Bulaga.” Kasama rin sa cast sina Andrei Paras, Ryan Eigenmann, JC Tiuseco, Carlo Gonzales, Pinky Marquez at Carmen Soriano. Mula sa direksiyon ni Mark Reyes.