NO comment si Rocco Nacino sa isyu kina direk Erik Matti at Lovi Poe. Wala raw siya sa posisyon para makialam.
Pero aniya, nasaktan siya for his girlfriend. He was upset, pero alam naman daw niyang maaayos din ang gulong ito. Basta suportado niya si Lovi and he’s always there for her, ayon pa kay Rocco.
Come to think of it, kung nabubuhay pa kaya si Fernando Poe, Jr. magawa kaya ni direk Erik na i-bash sa kanyang Facebook account si Lovi? Minura at tinawag niyang starlet ang anak ni FPJ dahil ayaw lang nitong gawin ang isang pelikulang kasali sa 2014 Metro Manila Film Festival.
May manager si Lovi, sana ito ang kinausap ni direk Erik dahil ito ang mas nakakaalam sa pagpapatakbo ng career ng aktres. Sana, hindi pinairal ni direk Erik ang bugso ng kanyang galit sa sobrang panlalait niya kay Lovi. Isip-isip lang muna sana.
Balik kay Rocco, going great ang career ng GMA Artist Center talent matapos siyang sumali sa “Starstruck.” Sunud-sunod ang paggawa niya ng teleserye at pelikula.
Ang latest movie niya’y “Ibong Adarna: The Pinoy Adventure” at sa kanya ang male lead role. May bago rin siyang teleserye, “Hiram na Alaala” na malapit nang mapanood sa GMA7.
Confused na naman ba?
Confused na naman ba si Billy Crawford? May pinagdaraanan na naman ba siya?
Sa isang bahagi ng interbyu sa kanya noong pansamantalang nakulong siya sa police precinct sa Bonifacio Global City (BGC), sinabi niyang stressed out siya sa ilang sitwasyon na hindi naman niya naipaliwanag mabuti. Aniya pa, exhausted at pagod na siya.
Dala ng impluwensiya ng alak ay hindi nakontrol ni Billy ang kanyang sarili at nagwala siya sa presinto. Nag-apologize naman siya matapos siyang mahimasmasan.
Hindi naiba si Billy kay Anne Curtis na kapag nalalasing ay hindi rin kayang kontrolin ang sarili at nakakagawa ng hindi tama. Remember the sampalan incident sa isang bar kung saan nalasing si Anne?
Ano naman kaya ang reaction ni Kris Aquino na si Anne ang pinarangalan ng isang award-giving body bilang Most Effective Celebrity Endorser? Paramihan silang dalawa ng product endorsements.
Kaakibat na yata ng hosts ng “It’s Showtime” ang kontrobersiya. May kanya-kanyang isyu rin sina Vhong Navarro at Vice Ganda. Nagka-tax issue rin noon si Ryan Bang.
Biktima
Therese Malvar na ang screen name ni Teri Malvar, ang 14-year-old bagets na tumalo kina Nora Aunor at Vilma Santos sa Urian. Nanalong Best Actress si Therese sa indie film na “Ang Huling Cha-Cha ni Anita.”
Ani Therese, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang tinalo niya sina Nora at Vilma.
First movie ni Therese ang AHCCA at nag-audition siya para sa lesbian role. Dating theater/commerical actress ang mommy ni Therese na si Cherry Malvar.
Aniya, sumama lang siya sa kanyang mommy na mag-a-audition sana sa AHCCA. Pinag-audition din siya ng direktor. Siya ang nagustuhan at isinama sa cast.
Kamakailan ay pumirma si Therese ng one-year contract sa GMA Artist Center. Nag-guest siya noon sa “Rhodora X.”
Ang bagong indie film ni Therese ay “Tumbang Preso” where she plays Jea na biktima ng human trafficking.
Nagtatrabaho siya sa isang sardines factory.
Tampok din sa cast sina Kean Cipriano, Ronnie Lazaro, Jaclyn Jose, Dominic Roco, Kerbie Zamora, atbp. Written and directed by Kip Oebanda.
Ayon kay Therese, idol niya si Anne Curtis. Dahil Kapuso siya, gusto niyang makatrabaho ang Primetime Queen na si Marian Rivera. Ayon pa kay Therese, pangarap niyang maging Indie Film Princess.