BAKIT nga ba hindi pagsamahin sa isang pelikula sina Nora Aunor at Ryzza Mae Dizon? Magandang ideya ‘yun ni Aling Maliit na sinabi niya kay La Aunor noong nag-guest ito sa “The Ryzza Mae Show.” Sana, may prodyuser na nakapanood nu’n at pag-isipan ang ideya ni Aling Maliit na sinang-ayunan naman ng Superstar.
May pamagat na nga si Ryzza, “Ako Ang Iyong Ina.” Kung hindi man pelikula, pwedeng pagsamahin sa isang teleserye sina Nora at Ryzza. Ano kaya’t iprodyus ito ng Tape Inc. (management company ni Ryzza) para sa GMA7? Mag-e-expire na sa October 29 ang kontrata ni Nora sa TV5, kaya pwede na siyang lumabas sa ibang network.
Sabi pa ni Ryzza, pareho silang maliit ni Nora at pareho sila ng kulay ng kanilang balat. Kayumanggi sila na halos pareho rin sila ng pinagmulan. Pareho silang galing sa hirap.
Parehas lang
May one thing in common pala ang ex-girlfriend at current apple of the eye (CAOTE) ng isang hunk actor (HA). Napanood namin si ex-GF sa isang show at napansin naming malalaki rin pala ang mga pata nito tulad ni CAOTE ng HA. Mahilig pala ito sa mga babaeng malalaki ang mga pata. O, nagkataon lang na parehas lang si ex-GF at si CAOTE ni HA?
May anggulo ring magkahawig si ex-GF at si CAOTE ni HA na pareho ang korte ng kanilang mga mukha. Mas pretty face nga lang si CAOTE. Long hair din pareho ang past at present lovey ni HA.
Sila pa rin?
So, sina Paulo Avelino at KC Concepcion pa rin pala. Natsika kasing diumano’y nagkalabuan ang kanilang relasyon. Pero sa isang social networking site, may picture na magkatabi ang dalawa sa isang bar kasama ang ilang common friends nila na mukhang nag-happy-happy sila. Marami ang naniniwalang may something special pa ring namamagitan between KC and Paulo.
Sa lumabas na larawan, diumano, mukha raw lasing (o tipsy?) si KC. Kung totoong lasing (o tipsy lang?) si KC, at least, walang balitang gumawa siya ng eksena sa naturang bar. Wala siyang sinigawan, sinampal o nilait. Walang dialogue na, “I can buy you!” Ang tamaan, pikon! Joke!!!
Big challenge
Si Mark Herras ang ipinalit kay Aljur Abrenica sa pelikulang “Cain at Abel” na dapat sana’y pagsasamahan nila ni Alden Richards. Sayang at pinakawalan ni Aljur ang magandang project na ‘yun.
O, baka naman, ayaw lang niyang makatrabaho si Alden dahil iniwasan niyang pagkumparahin na naman ang akting nila? Kahit bago pa nagdesisyon si Aljur na magpa-release ng kanyang kontrata sa GMA7, pinagkukumpara na ang akting nila ni Alden.
Sa pagkapili kay Mark na kapalit ni Aljur, big challenge kay Mark na maka-level-up sa akting ni Alden. Given na ang pagiging mahusay na aktor ni Alden. Seryoso siya sa kanyang craft. Nakikita ‘yung pagmamahal at dedication ni Alden sa kanyang trabaho, kaya patuloy ang blessings sa kanya.
Tatlo ang shows niya sa GMA7, “SAS (Sunday All Stars),” “Bet ng Bayan” with Regine Velasquez, at “Ilustrado” with Kylie Padilla.”